Bistek balik-pelikula para sa 1st anniv ng iWant
KASADO na ang pagbabalik sa big screen ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista. Ang pelikulang gagawin niya ay any magsisilbing 1st anniversary special ng iWant.
Ang working title ng comeback movie ng dating alkalde ay “Silly Red Shoes.” Makakasama niya rito ang ilan sa cast members ng seryeng Kadenang Ginto kabilang na sina Kyle Echarri at Francine Diaz.
Ang magdidirek nito ay si James Mayo na siya ring nagdirek ng “Kuya Wes” ni Ogie Alcasid.
Hindi lang ang pelikula ni Bistek ang magiging anniversary offering ng iWant dahil makaka-back to back din nito ang movie ni Cong. Alfred Vargas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.