5 tulak patay, pulis sugatan sa buy-bust sa Bulacan, Cavite | Bandera

5 tulak patay, pulis sugatan sa buy-bust sa Bulacan, Cavite

John Roson - August 30, 2019 - 05:37 PM

LIMANG hinihinalang drug pusher ang napatay sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Bulacan at Cavite, nitong Huwebes.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay sa Bulacan bilang sina Jay-R Ansiboy, Romel Banay, Amador Medina, at Reynaldo del Rosario Jr.

Napatay sina Ansiboy at Banay nang makipagbarilan sa mga operatiba sa Sitio Paculis, Brgy. Gaya Gaya, San Jose del Monte City, dakong ala-1 ng umaga, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police.

Nakuhaan sila ng kalibre-.38 revolver, improvised shotgun o sumpak, mga bala’t basyo, 17 sachet ng hinihnalang shabu, isang sachet ng marijuana, P500 marked money, at motorsiklo.

Kasunod nito, napatay si Medina nang manlaban din umano sa mga pulis sa Brgy. Masagana, Pandi, dakong alas-2:30.

Narekober sa pinangyarihan ang isang kalibre-.38 revolver, mga bala’t basyo, buy-bust money, pitong sachet ng umano’y shabu, ilang kagamitan ni Del Rosario, at isang motor.

Sa Cavite, napatay ang isang Wilbert Ungco at nasugatan ang isang pulis nang magkabarilan sa follow-up na isinagawa matapos ang buy-bust sa Brgy. San Francisco, General Trias City, dakong alas-10:20.

Ayon sa Cavite provincial police, nadakip sa buy-bust ang mga suspek na sina alyas “Alvin” at “Nonoy” nang makuhaan ng apat na sachet na may aabot sa 20 gramo ng hinihinalang shabu.

Matapos iyo’y ikinanta ng dalawa ang pinagtataguan ng kanila umanong dealer na si Reynaldo Salamat.

Nang magtungo ang mga operatiba sa lokasyon ni Salamat ay sinalubong sila ng mga putok ng baril at tinaamaan sa kanang tuhod si Cpl. Betita.

Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa mapatay si Ungco, na nakuhaan ng kalibre-.45 pistola.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending