Gov’t official busy na sa bulakbol, busy pa sa pakikipag-away | Bandera

Gov’t official busy na sa bulakbol, busy pa sa pakikipag-away

Den Macaranas - August 30, 2019 - 12:15 AM

NASIRA ang pagliliwaliw sa China ng isang opisyal ng pamahalaan dahil sa naging laman ng mga usapan sa social media ang kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Lumabas pa sa mga balita ang nasabing ulat dahil mula sa dating higit sa P2.5 milyon na networth ay nadoble na ito makalipas lamang ng isang taon sa gobyerno.

Imbes na sagutin ang isyu ay binuweltahan niya ang mga reporters na nagsulat ng nasabing ulat.

Kunsabagay ay hindi na bago ang ganitong ugali ni “madam” dahil pati mga kasamahang opisyal ng gobyerno ay kanyang inaaway at binu-bully kapag may nakikitang mali sa kanyang mga diskarte sa kanilang tanggapan.

Taliwas ito sa pag-uugali ng ilan sa kanyang mga kapwa opisyal na “Usec” rin samantalang ang iba naman ay “Asec” na talaga namang nagtatrabaho nang maayos sa kanilang kagawaran.

Hindi rin niya binigyan ng kahihiyan ang kanyang boss na Cabinet member na halos hindi na matulog para lang magampanan ang kanyang tungkulin sa bayan.

Bukod sa mahinang performance sa kanyang trabaho ay kilala rin si madam na mahilig sa junket.

Lahat ata ng lakad sa abroad ng mga opisyal sa kanilang departamento ay kanyang sinamahan kahit na nagmumukha lamang siyang palamuti sa karamihan sa mga junket na ito.

Imbes na pagtuunan ng pansin ang kanyang trabaho na ipaalam sa publiko ang mga achievements ng pamahalaan ay mas may oras ang ating bida sa pakikipag-away lalo na sa social media.

In short, sayang ang pondo ng gobyerno sa kanyang sweldo pati na rin sa tanggapan ng opisyal na ito.

Ang bida sa ating kwento ngayong umaga na mahilig magpabida pero kapos naman pagdating sa performance sa trabaho ay si Madam B….as in Bulakbol.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending