Lihim ng magpinsan sa showbiz nabuking, ‘adik na adik’ | Bandera

Lihim ng magpinsan sa showbiz nabuking, ‘adik na adik’

Cristy Fermin - August 30, 2019 - 12:35 AM

DALAWANG pamosong babaeng personalidad ang tinutukoy sa isang kuwento na halos nakatira na sa isang clinic para sa pagpapaganda. Palagi silang nandu’n.

Pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho pero kapag may bakante na silang oras ay sa clinic na ‘yun ang kanilang tuloy.

Kuwento ng isang source, “Talagang halos du’n na sila nakatira, wala silang lubay sa pagpapaganda. Basta may bagong machine ang aesthetic center, asahan n’yo nang sila ang magbubuwena-mano sa makinang ‘yun!

“Kaya naman tingnan n’yo, may edad na silang pareho, pero kapag itinabi mo sila sa halos mas bata ang age sa kanilang dalawa, e, sila pa rin ang panalo!

“Si Actress A, bagets pa lang siya, e, nag-aartista na, pero tutukan n’yong mabuti ang itsura niya, may fountain of youth siyang pinagkukunan ng walang kupas niyang ganda!

“Si Actress B naman, bukod sa talagang maganda na siya, e, look n’yo ang katawan, seksing-sexy pa rin siya. At may edad na rin siya, ha?” umpisang kuwento ng aming impormante.

Magkamag-anak ang dalawang aktres, hindi sila basta-basta magkadugo lang, kaya sabi ng mga miron ay maganda talaga ang kanilang genes.

Patuloy ng aming source, “Naku, hindi sila mapakali kapag may bagong dating na machine sa clinic na pinupuntahan nila! Kailangang sila ang unang makapag-try nu’n!

“Pagkaligo nila, e, go na agad sila agad sa clinic, du’n na sila naglalagi, du’n na rin sila nagpapabili ng mga pagkaing pagsasaluhan nila sa clinic. Ganu’n sila katindi talaga pagdating sa ganda at body nila.

“Na dapat lang naman, dahil ang puhunan nila sa pag-aartista, e, ang kagandahan nila. Magaling ngang umarte ang isang artista, kung hindi niya naman inaalagaan ang sarili niya, e, di balewala rin ‘yun!

“Kaya kailangan talagang tinututukan ng mga artista ang katawan nila. Look n’yo naman ang magpinsang personalities na ito, parang hindi sila tumatanda! Mas mukhang bagets pa nga sila kesa sa mga mas batang artistang walang pakialam sa itsura nila!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kilalang-kilala si Actress A sa dalawang letters lang ng pangalan at apelyido niya, si Actress B naman, e, may karelasyong businessman na mas may edad kesa sa kanya!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na ang mga clue, mauupo pa ba naman kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending