Maris kay Iñigo: Minahal ko naman talaga siya, pero…
NAPAPANAHON ang pelikulang “I’m Ellenya L” nina Iñigo Pascual at Maris Racal, lalo na ngayong halos lahat ay nakatutok na sa social media.
Kuwento ito tungkol sa blogger o social media influencer na ginagampanan ni Maris, na seryoso sa lahat ng kanyang ginagawa pero hindi niya alam na nakakatawa siya kaya marami siyang followers.
Kuwento ni Maris sa ginanap na presscon ng movie kahapon, “Ano po kasi hindi niya alam na nakakatawa siya, parang ang dating, ‘bakit ang tanga-tanga niya, hindi alam ang mga nangyayari sa buhay niya nakakatawa.”
Naunang ipakita ni Maris ang kakayahan niyang magpatawa sa pelikulang “Vince And Kath And James” at marahil dito siya napansin kaya binigyan na siya ng sariling comedy-romantic film mula sa Spring Films at N2Productions, sa direksyon ng komedyanteng si Boy2 Quizon.
Siguradong magpipiyesta ang fans nina Maris at Iñigo dahil muli silang magtatambal, ito ang unang pagkakataong magkakasama sa pelikula ang MarNigo.
Ang alam ng lahat ay mag-ex sila pero sa totoong buhay ayon kay Maris ay hindi sila umabot ng binata sa pagiging magdyowa.
Kaya ang tanong tuloy kay Maris pagkatapos ng presscon ay kumustang katrabaho ang kanyang ex, “Ex po talaga? Hindi naman po kami talaga but knowing Inigo, very professional po talaga siya, at ako rin sine-set aside ko kung anuman ‘yung problem na dine-deal ko.
“Sabi nga po, si direk Boy2, never niya naramdaman na nag-aaway kami or hindi kami okay. Normal naman po ‘yung samahan namin lalo na kapag trabaho na,” paliwanag ng dalaga.
Hindi itinanggi ng dalaga na in-love talaga siya kay Inigo, “Opo, minahal ko naman talaga ‘yung tao, hindi naman playtime ‘yun. Hindi talaga natuloy na maging kami kasi ‘yun nga po, nasa time kami na focus kami sa career.
“Lalo na si Iñigo gusto niyang mag-international at ayaw niyang ma-distract.
“Kaya we stayed as friends at ‘yung conversation na ‘yun nahirapan din kami both kasi that means we have to end something, hindi na kami mag-uusap at magkasama. And okay lang ‘yun since friends naman kami at okay naman kami sa work,” paliwanag pa ng young actress.
Si Maris na ang nagsabing itigil na na nila kung anumang meron sila, “Para po hindi nakakalito. At saka nu’ng time na lumalabas kami hindi naman kami nag-entertain ng iba. Kaya ngayon po na clear na, masaya na kami mag-work.”
Sabi naman ni direk Boy2, “Kayo na po ang humusga kung naapektuhan ng paghihiwalay nila ang movie namin, kasi hindi ko nga alam na naghiwalay na, na may balitang ganu’n.
“Kaya binalikan ko lahat ‘yung dati (mga eksena) at ‘yung mga nakunan na wala na sila, walang bago. Ang husay nila (umarte), nabigyan pa rin nila ng justice yung roles nila,” sabi pa ng comedian-director.
Ang “I’m Ellenya L” ay kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino na mapapanood na nationwide simula sa Set. 13 handog ng Spring Films at N2 Productions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.