Veteran actress Mona Lisa pumanaw na sa edad na 97

By Ervin Santiago August 26,2019
share this

Veteran actress Mona Lisa pumanaw na sa edad na 97

By Ervin Santiago August 26,2019
share this

SUMAKABILANG-BUHAY na ang award-winning veteran actress na si Mona Lisa. Siya ay 97 years old.

Pumanaw ang aktres, Gloria Lerma Yatco sa tunay na buhay, habang natututulog kahapon, Aug. 25. 

Ito’y ayon na rin sa inilabas na official statement ng MOWELFUND sa pamamagitan ng presidente nitong si Boots Anson Rodrigo.

Narito ang kabuuang pahayag ni Boots: “Mowelfund announces the demise of its lifetime member, multiawarded actress, Mona Lisa, who died in her sleep today, August 25, at the age of 97. 

“Viewing starts August 26 at Loyola Memorial Chapels 1 and 2 in Sucat, Parañaque. 

“Interment is on August 30 at 3pm.”

Unang nakilala si Mona Lisa sa screen name na Fleur de Lis bago magsimula ang World War II. Lumikha siya ng ingay bilang kauna-unahang Filipina actress na nagsuot ng bathing suit sa pelikula. 

Ito ay sa pelikulang “Giliw Ko” ng LVN Pictures, kung saan nakasama niya si Fernando Poe, Sr.. 

Ginawa niya ang kanyang first solo starrer film na “Princess Urduja” noong 1942 kasama si FPS.

Ilan pa sa mga hindi malilimutang pelikula ng yumaong veteran actress ay ang Insiang (1976) kasama si Hilda Koronel; Itim (1976) kasama si Charo Santos; Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak (1978); at Cain At Abel (1982) kung saan nakasama niya sina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

Sa pelikulang Insiang, nagwagi si Mona Lisa ng  Best Supporting Actress sa FAMAS at Gawad Urian noong 1977.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending