Claudine magiging maayos lang ang buhay at career kung tatalikuran ang…

By Cristy Fermin August 26,2019
share this

Claudine magiging maayos lang ang buhay at career kung tatalikuran ang…

By Cristy Fermin August 26,2019
share this

NAKAPANGHIHINAYANG si Claudine Barretto. Gumawa na nga ng paraan ang mga taong nagmamalasakit sa kanya para muli siyang makabalik sa trabaho pero siya mismo ang sumira sa napa-kagandang plano para sa kanya.

Ang mismong mga taong tumutulong sa kanya ang nagsasabi na mahirap siyang kausap. Minsang buhay na buhay ang kanyang entusiyasmo sa pagbabalik pero may pagkakataon ding parang ayaw niya namang makinig.

Isa lang ang sinabi ng isang source na napakalapit kay Claudine, “Hanggang hindi niya tinatalikuran ang nakasanayan niya, e, walang mangyayari sa kanya! Kailangan niyang tigilan ‘yun para mapaayos ang buhay niya!”

Pabagu-bago rin ang takbo ng kanyang isip, meron siyang mga kuwentong hinahabi na malayo sa katotohanan, kaya pati ang mga taong gusto sana siyang tulu-ngan sa kanyang pagbabalik ay nagsukuan nang lahat.

Sabi uli ng isang source, “Kung ang kapatid nga niya, e, sumuko sa kanya, ibang tao pa kaya?

Gustung-gusto siyang tulungan ni Gretchen, siya na nga ang sagot sa lahat ng kailangan para sa comeback niya, pero sumuko rin ang kapatid niya!”

Alam ni Claudine Barretto kung ano ang ibig sabihin ng aming source. Siya mismo ang nakakaalam kung ano ‘yung isang nakasanayan na niyang gawin na kailangan niyang talikuran.

‘Yun lang ang magiging susi sa pagiging maayos ng kanyang buhay. Wala nang iba pa. ‘Yun lang talaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending