Praning na aktres sinungaling; nilalayuan ng mga kaibigan

By Cristy Fermin August 25,2019
share this

Praning na aktres sinungaling; nilalayuan ng mga kaibigan

By Cristy Fermin August 25,2019
share this

INIIWASAN na pala ngayon ng kanyang mga dating katrabaho at kaibigan ang isang pamosong female personality. Natatakot na kasi ang mga ito sa mga puwedeng gawin ng aktres laban sa kanila nang patalikod.

Sa madaling salita, ayon sa aming source, ay matapang lang ang babaeng ito kapag talikuran pero kapag kinokompronta na ay parang walang kamuwangan sa mundo.

Kuwento ng aming impormante, “Nakakatakot na siyang makasama, mahirap na, baka kasi kapag naghiwalay na kayo, e, kung anu-anong kuwento ang palabasin niya!

 “Ibang klase ang babaeng ‘yun! Puwede siyang gumawa ng script, fiction nga lang! Mga inimbentong kuwento lang at malayo sa katotohanan.

 “Hindi lang ang mga co-stars niya ang umiiwas na ngayon sa girl, kahit ang mga kaibigan niyang non-showbiz, kani-kanyang dahilan sila kapag gustong makipag-bonding sa kanila ng babaeng ‘yun!” unang kuwento ng aming source.

 Naloloka na kasi ang kanyang mga kaibigan sa pinaggagagawa niya. Marami siyang kuwentong hindi naman totoo. Kung ano ang maisip niya ay pinaniniwalaan na niya.

“Hindi ba naman nakakaloka siya? Kapag inisip niyang galit sa kanya ang kaharap niya, e, ‘yun na ang paniniwalaan niya kahit hindi naman ‘yun totoo!

 “Aawayin na niya agad ang taong pinagdududahan niyang ayaw sa kanya! Ite-text na niya agad, aawayin na niya, kaya nalulukring ang mga kaibigan niya kung bakit siya nagkakaganu’n!

 “At hindi lang ganu’n! Humahanap siya ng mga kakampi! Sisiraan na niya agad ang taong inaakala niyang hindi siya gusto, kung anu-ano nang kuwento ang pagtatagpi-tagpiin niya laban du’n sa tao!

“E, napakaliit lang naman ng showbiz, di ba? Maitatago ba niya ang mga pinaggagagawa niya? Ayun, nu’ng magkausap-usap ang mga taong sinisiraan niya, e, nawindang sila!

 “Lahat pala sila, e, iginagawa ng kuwento ng babaeng ‘yun na wala kasing pinagkakaabalahang trabaho, kaya napapraning na siguro sa klase ng buhay na meron siya ngayon!

“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak na kayo ng mga bareta ng sabon at ihambalos n’yo sa hitad na babaeng ‘yan!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending