Gladys vs Tina sa ‘Mystery Star’ ng TBATS

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

Gladys vs Tina sa ‘Mystery Star’ ng TBATS

By Ervin Santiago August 25,2019
share this

MAY bagong paandar na naman ang laging trending na Kapuso comedy show tuwing Sunday night, ang The Boobay And Tekla Show.

Isang oras na naman ng puro katatawanan at kalokahan ang hatid ng comic duo na sina Boobay at Super Tekla. Sa episode ngayong gabi, special guests sina Gladys Reyes at Tina Paner na sasabak sa latest segment ng TBATS, ang “The Mystery Star.” 

By asking questions, the two actresses will attempt to guess the identity of The Mystery Star who will be dressed in a coverall costume. The Mystery Star’s voice will be distorted to make the game more challenging. Mahulaan kaya nila kung sino si Mystery Star? Or will they face a consequence? Pwedeng-pwede kayong makihula at makigulo sa nakakalokang game na ito.

Sa “Pranking in Tandem,” eeksena naman ang Kapuso actress na si Diana Zubiri. Sa tulong nina Boobay at Tekla, bibiktimahin nila ang catering service manager kasama ang kanyang staff sa isang food taste test. 

Ang drama, ikakasal na si Diana at kailangan niya ng caterer. Anu-ano ang mga itatanong at hihinging request ni Diana na ikasa-shock ng manager at ng staff?

Another viewer favorite, the side-splitting KMJS parody returns this Sunday with “Hindi Naaagnas na Bangkay.” Boobay will play the role of a dead woman whose body does not decompose. Her husband, played by Tekla, has found a way to monetize the corpse.

At sa “TBATS on the Street,” babalik ang favorite n’yong “Ano sa English… ?” challenge. Hahamunin ang mga Kapuso sa kalye na i-translate ang mga sikat na Tagalog phrases and expressions sa English. Halimbawa,  ano sa English ang “Makuha ka sa tingin?”

Sa “Dear Boobay and Tekla,” makakasama muli ang Mash-up Queen na si Ate Gay, na siyang tutulong sa mga letter senders na nanghihingi ng advice para masolusyunan ang kanilang mga problema at hugot sa buhay.

Produced by GMA Network’s Entertainment Group, the consistent ratings winner, The Boobay and Tekla Show airs every Sunday evening after Kapuso Mo, Jessica Soho.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending