3 palabang rapper naging ‘instant artista’ dahil kay Coco

By Ervin Santiago August 24,2019
share this

3 palabang rapper naging ‘instant artista’ dahil kay Coco

By Ervin Santiago August 24,2019
share this

MALAKI ang utang na loob na tinatanaw ng mga magagaling na rapper na sina Bassilyo, Shernan at Smugglaz kay Teleserye King Coco Martin.

Bukod kasi sa pagiging singer-performer, naging instant actors din ang tatlong rapper dahil kay Coco.

Sa guesting nila sa Tonight with Boy Abunda, sinabi ni Bassilyo na mismong si Coco ang naghanap sa kanila para mapasama sa pelikulang “Ang Panday” at sa hit Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon kay Smugglaz, nagsimula ang acting career niya sa “Ang Panday”, “Bale po nu’ng nagkaroon ng Panday, du’n po kami nakuha nila Bassilyo.”

Chika naman ni Shernan, nu’ng una hindi siya naniniwala na hinahanap sila ni Coco para isama sa proyekto nito, “Hindi pa ako makapaniwala kasi Coco Martin na yan e, tapos kilala kami. 

“Pero yun nga hinanap niya daw po kami kasi natutuwa siya sa amin tapos parang nakitaan niya yata kami ng konting pag-asa (sa pag-arte),” birong chika pa ni Shernan. 

Nagbahagi rin ang tatlong rapper tungkol sa mga values na naise-share ng Ang Probinsyano sa madlang pipol. Sabi ni Shernan, “Ang natutunan ko diyan sobra yung respeto sa kapwa.”   

Hirit naman ni Smugglaz, “Saka po yung mga magagandang kultura ng mga Pilipino, na sa katagalan lalo na ngayon nawawala na.”Kumbaga naipapakita pa rin sa Probinsyano katulad ng mga lumang laro saka du’n sa paggalang sa matatanda,” aniya pa.

Para naman kay Bassilyo, isa sa mga nais ibahagi ng FPJAP ay ang pagiging pantay-pantay ng lahat, “Para sa akin yung pagkakapantay-pantay. Equality. Napakaimportante niyan sa lipunan natin.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending