Kilalang male celeb kakaiba na ang takbo ng utak, dapat nang ipagamot

By Cristy Fermin August 24,2019
share this

Kilalang male celeb kakaiba na ang takbo ng utak, dapat nang ipagamot

By Cristy Fermin August 24,2019
share this

IBANG-IBA na talaga ang mga ginagawa ngayon ng isang sikat na male personality. Napakalaki na ng kanyang ipinagbago. Malayung-malayo na siya sa kinasanayan niyang buhay na hindi naman perpekto pero ayos lang.

Nawiwindang ang mga dati niyang kakontemporaryo dahil marami siyang ginagawang mahirap unawain. Kung anuman ang kanyang dahilan sa mga nakakawirdong pinaggagagawa niya ngayon ay siya lang ang nakakaalam.

Kuwento ng isang source na windang na windang na windang din sa mga pinagkakaabalahan ngayon ng sikat na male personality ay may kailangan na siyang tulong mula sa mga propesyonal.

Ayon sa nasabing source, “Kailangan na talaga niya ng tulong. Hindi na simple ang mga ipinakikita niya ngayon. Kailangan nang magdesisyon ang family niya para maagapan pa ang puwedeng maisalba sa kanya.

“Hindi ito gawain ng isang taong malinaw pa ang huwisyo. Mga tao lang na nakalilimot na sa maraming bagay ang gumagawa ng ganito. Hindi na siya nagdadalawang-isip ngayon, ginagawa niya na lang ang mga bagay-bagay na parang hindi na siya nag-aalala ng ibubunga nu’n sa buhay at image niya,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Kahit ang mga kaibigan ng male personality ay nag-aalala na sa kanyang estado ngayon. Kung sila ang tatanungin ay mas gusto nilang maalagaan sa isang institusyon ang kanilang kaibigan.

Balik-kuwento ng aming source, “Ang family niya dapat ang kumilos, hindi ibang tao, sila ang dapat gumawa ng paraan para maalagaan ang kapamilya nila.

“Pero matagal na pala siyang sinasabihan ng pamilya niya na umayos na, pero mukhang hindi naman siya nakikinig. Mahirap din kasi ang sitwasyon nila, ang male personality kasi ang breadwinner ng family nila.

“Parang wala silang boses na magsabi kahit gaano pa kaganda ang intention nila. Parang hindi sila pakikinggan nu’ng guy, kasi, siya ang inaasahan ng pamilya nila,” dagdag na impormasyon ng aming impormante.

Hindi na simple ang kanyang mga ginagawa. Pupunta siya sa isang lugar, diretso lang ang kanyang tingin, parang wala siyang pakialam sa mundo.

Pagtatapos ng aming source, “Kailangan na niya ng professional help. Hindi na niya kinakaya ang mga nangyayari sa buhay niya, baka kung saan pa ‘yun mapunta kapag hindi siya naagapan.

“Aysus, Sta. Cruz, Vito Cruz, kailangan na talaga niya ng professional help ngayon,” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! May iba pa ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending