Good conduct? Ex-Calauan mayor Sanchez nahulihan ng shabu sa selda | Bandera

Good conduct? Ex-Calauan mayor Sanchez nahulihan ng shabu sa selda

- August 22, 2019 - 05:17 PM

IPINASISILIP ng mga kongresista kung papaano kinuwenta ang good conduct time allowance na ibinigay kay dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfred Garbin may kumukuwestyon sa pagpapalabas kay Sanchez dahil mayroon itong rekord na nagpasok ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng piitan at naglagay pa ng air conditioning unit sa kanyang kulungan.

“Established facts and records would reveal that convicted Rapist and murderer Antonio Sanchez violated prison rules. How in the world is Smuggling illegal drugs and contraband in his jail cell would constitute Good Behavior?” tanong ni Garbin.

Malinaw umano na hindi kuwalipikado si Sanchez sa pagkakaroon ng exemplary behavior sa kulungan. “To do otherwise is to caused Ignominy and more suffering to the victims family.’

Sinabi naman ni ACT-CIS Rep. Eric Yap na maghahain ito ng panukala upang maitama umano ang butas sa good conduct time allowance law.

Ayon kay Yap masyadong masakit sa damdamin ng pamilya na makitang nakalalya na ang pumaslang sa kanilang mahal sa buhay.

Maaari umanong piliin ang mga krimen na maaari lamang bigyan ng good conduct time allowance at huwag isama dito ang mga karumaldumal na krimen.

Sinabi naman ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na ang pagpapasok ng shabu sa loob ng selda ang isa sa mga dahilan kung bakit ipinanukala nito ang pagbabalik ang parusang kamatayan.

“Getting caught with shabu inside a prison doesn’t fit the description of good conduct. Drug trafficking while in prison is what convinced me to file a bill calling for the death penalty for high level drug traffickers,” dagdag pa ni Biazon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending