Dennis kay Gerald: Pare, anak ko ‘yan | Bandera

Dennis kay Gerald: Pare, anak ko ‘yan

|August 22,2019
facebook
share this

Dennis kay Gerald: Pare, anak ko ‘yan

- August 22, 2019 - 12:30 AM

“PARE, anak ko ‘yan!” Ito ang tila babala ng komedyanteng si Dennis Padilla kay Gerald Anderson na nali-link ngayon kay Julia Barretto.

Sa ginanap na presscon kamakalawa ng bagong pelikula ng Viva Films, ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”, sinagot ni Dennis ang mga tanong tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng anak na sinasabing third party sa break up nina erald at Bea Alonzo.

Payo niya sa dalaga, “Ang sabi ko sa kanya, ‘wag ka na muna mag-social media. Pahinga ka muna. Mas maganda, magbakasyon ka na muna. Sabi ko nga sa kanya, kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaanong busy, lumayo ka na muna sa social media. Hintayin mo na munang mag-die down ‘yung issue.”

Inamin din ni Dennis na siya ang unang tumawag kay Gerald, “Nag-text muna ako dahil, sabi ko, kasi noong lumabas ‘yung issue, nag-text lang ako. Tapos tumawag siya, kinausap ko. So, pagkausap ko, ni-remind ko lang sa kanya, ‘Pare, anak ko ‘yan.’ ‘Yun lang. Siguro naman alam niya na ‘yung lalim noon, ‘di ba, dahil lalaki naman siya.”

Hindi naman daw niya tinakot o binantaan si Gerald, “Ang akin lang, basta huwag maagrabyado yung anak ko. Kasi ang tingin ng tao sa kanya, e, playboy. Basta ang importante lang sa akin, yung kapakanan ng aking anak.”

Ayaw na sanang magsalita ng veteran comedian tungkol sa issue, “Ready naman ako sumagot, kaya lang malalayo sa promo ng pelikula namin. Kaya puro general lang mga sagot ko.”

Okay na raw si Julia ngayon kahit na medyo mainit pa ang kontrobersya, “Hindi naman siya malungkot kasi busy siya preparing for Star Magic Ball and Olympics nila.”

Samantala, muling magsasama-sama sa isang sexy-comedy film ang magkakaibigang Dennis Padilla, Janno Gibbs at Andrew E, ito ngang “Sanggano, Sanggago at Sanggwapo” sa direksyon ng award-winning actor-director na si Al Tantay.

Ayon sa tatlong original artists ng Viva, sila mismo ang humiling kay Boss Vic del Rosario na magkaroon ng reunion movie.

“We really asked for this, talagang gustung-gusto naming mag-reunion kasama pa si Direk Al Tantay. Gusto kasi naming ibalik ‘yung old school na comedy, old school plus comedy para sa mga kalalakihan. Matagal na kasing walang ganitong movie, kaya nagkaroon ng ‘Sanggano, Sanggago at Sanggwapo,’” ani Janno.

Dagdag ni Dennis, pinagsama nila rito ‘yung old school at millennial sexy-comedy para ma-appreciate rin ng new audience, “Maraming nagsasabi, they missed yung old kind ng comedy. Kasi puro romcom ngayon and comedy, si ito naman comedy na medyo naughty, may kapilyuhan.”

In fairness, kapag napanood n’yo ang trailer ng movie, parang gusto mo ngang makatikim muli ng kakaibang putahe ng comedy, lalo na ‘yung may mga double meaning na eksena.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa pelikula ang mga seksing leading ladies ng tatlong comedian na sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda at Vanessa Wright with Julian Trono, Vitto Marquez at Andrew Muhlach as young Dennis, Janno and Andrew.

At kung hindi kami nagkakamali, ito rin ang huling pelikula ng yumaong veteran actor na si Eddie Garcia. Showing na ito sa Sept. 4 nationwide, mula sa Viva Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending