Kung katulad ni Lloydie ang makakasama mo araw-araw, iiwan talaga siya ni Ellen!’

By Cristy Fermin August 22,2019
share this

Kung katulad ni Lloydie ang makakasama mo araw-araw, iiwan talaga siya ni Ellen!’

By Cristy Fermin August 22,2019
share this

ELLEN ADARNA AT JOHN LLOYD CRUZ

MUKHANG walang senyal man lang ng pagbabalikan ang nawasak na relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Kung ang kampo ng sexy actress ang paniniwalaan ay talagang hindi na raw nito kinaya ang ugali ng aktor.

Kuwento ng isang source, “Alam n’yo bang lumuluwas ng Manila from Cebu si Lloydie nang hindi man lang niya ipinaaalam kay Ellen? Natural, naghahanap ‘yung isa!

“Kung aso ngang nawawala, e, hinahanap natin, ang partner pa kaya ang basta na lang natin pababayaang mawala sa paningin natin?

“Aalis siya kung kailan niya gusto, babalik siya kapag trip na niyang bumalik sa Cebu!” madiing kuwento ng aming impormante.

Sa isyu naman kung sino ang nagsawa kanino ay may komento rin ang aming source. Sawain nga ba sa karelasyon si Ellen Adarna?

Ang sabi ng aming source, “Matinding magmahal si Ellen. Hindi lang naman si Lloydie ang may isinakripisyo, di ba? Si Ellen din naman na mahal na mahal ang career niya, tumalikod din!

“Pero ito lang naman ang masasabi naming mga nakakakilala kay Ellen, kung ganu’n naman kay Lloydie ang makakasama mo araw-araw, e, talagang lalayo ang babae!” napakadiing komento ng aming source.

Sana’y magbigay na rin ng kanyang panig si John Lloyd Cruz para maging balanse ang mga kuwento tungkol sa hiwalayan nila ng sexy actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending