Pagtaba ni Angel itinago sa jacket: Pero ang ganda-ganda niya pa rin! | Bandera

Pagtaba ni Angel itinago sa jacket: Pero ang ganda-ganda niya pa rin!

Cristy Fermin |August 21,2019
facebook
share this

Pagtaba ni Angel itinago sa jacket: Pero ang ganda-ganda niya pa rin!

Cristy Fermin - August 21, 2019 - 01:34 AM

Totoong nadagdagan ang timbang ni Angel Locsin, kitang-kita naman ‘yun sa kanyang seryeng The General’s Daugther, hindi ‘yun maitatago ng kahit anong anggulo pang gawin ng mga camera.

Palagi siyang naka-jacket, magandang pangtago ng mga sobra-sobrang timbang ang makapal na jacket, pero naman!

Kung ang babae namang madadagdagan ng timbang ay kasingganda ni Angel Locsin ay tapos na ang argumento. Kering-keri niya ang ganu’n dahil sa kagandahang meron siya, napakaganda ng aktres lalo na kapag konting-konti lang ang kanyang make-up, saka nakapusod ang kanyang makintab at malusog na buhok.

Komento ng isang kaibigan naming young lawyer, “Napakasuwerte naman talaga ni Neil Arce! Nakakatawa nga, kapag tinatanong ako ng mga friends ko kung kailan ako makikipagrelasyon, ang lagi kong sagot, e, hinihintay ko lang na maging single si Angel Locsin!

“Biro lang naman ‘yun, but it shows how much I appreciate her beauty. Gandang-ganda ako sa kanya, ‘yun ang reason kung bakit ko sinusubaybayan ang The General’s Daughter.

“Saka carry niya naman kung tumaba man siya, hindi siya dapat i-bash, dahil kung ganu’n naman kaganda ang lumaking babae, e, panalo pa rin siya!” sabi ng abogado naming kaibigan.

Korek na korek!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending