Hiling ng fans ni Kris: Sana pagbigyan ng MMFF ang 'Kampon' | Bandera

Hiling ng fans ni Kris: Sana pagbigyan ng MMFF ang ‘Kampon’

Cristy Fermin - August 20, 2019 - 08:04 PM

KRIS AQUINO AT GABBY CONCEPCION

Sana nga ay mabigyan ng kunsiderasyon ng pamunuan ng MMFF ang mga kakulangan ng produksiyong maghahatid sa publiko ng pelikulang “K(Ampon).”

Si Kris Aquino ang bida sa pelikula, si Gabby Concepcion na ang magiging leading man niya, dahil tinanggihan ni Derek Ramsay ang proyekto sa kakulangan nito ng panahon.

Hindi pa man ay inaalat na ang pagbibidahang pelikula ni Kris, nagkaroon na agad ng mga problema, kaya pinaglaruan na naman siya sa social media.

Ito ang pagbabalik ni Kris sa lokal na pelikula pagkatapos nang tatlong taon ng kanyang pamamahinga. Isa rin siya sa mga producers ng “K(Ampon).”

May mga nanunudyo sa kanyang pag-arte, idinidikit talaga sa kanyang pagganap ang inimbentong terminong constipated acting, dahil sa kahit anong klase ng emosyong hinihingi sa kanya ay para siyang nahihirapang dumumi.

Gustung-gusto nang bumalik uli sa pag-arte ni Kris Aquino, ayaw na niyang magpakaabala sa pagpo-post lang ng kanyang damdamin, gusto na niyang humarap sa mga camera.

Sana nga ay pakinggan ng komite ng MMFF ang kanilang hiling na mapasama ang pelikula sa darating na pestibal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending