Sikat na aktor kumalas na sa manager: ‘Kung anu-ano na lang kasi ang ipinagagawa sa kanya’

By Cristy Fermin August 19,2019
share this

Sikat na aktor kumalas na sa manager: ‘Kung anu-ano na lang kasi ang ipinagagawa sa kanya’

By Cristy Fermin August 19,2019
share this

MATAGAL na palang gustong magpaalam sa mga nag-aalaga sa kanyang career ang isang guwapong male personality. Hindi na raw kasi siya masaya, isa pa ay parang nababagalan siya sa mga nangyayari sa kanyang karera, napag-iiwanan na raw tuloy siya ng young male personality na kakontemporaryo niya.

Hindi lang natutuloy ang kanyang pagpapaalam dahil may mga tao sa nasabing opisina na nagpapayo na huwag siyang mainip, mag-hintay lang siya, dahil napakalaki ng plano ng agency para sa kanya.

Kuwento ng isang source, “‘Yun pala ang reason kung bakit parang lagi siyang walang gana sa mga ginagawa niya. Hindi na pala siya masaya sa mga ginagawa ng mga nagma-manage sa kanya.

“Kung anu-anong projects na lang daw kasi ang i-binibigay sa kanya, mga proyektong hindi naman bagay sa kanya, dahil alam naman nating hindi siya masyadong marunong mag-Tagalog, di ba?

“Naghintay siya ng mahabang panahon, pero ganu’n pa rin, walang nangyayari sa career niya, ‘yun ang palagay niya, ha?” unang chika ng aming impormante.

Balitang hindi lilipat ng ibang manager ang guwapong male personality, hindi raw naman niya gagawin ‘yun, kaya ang pagkakaalam ng marami ay mismong father niya na ang magpapatakbo sa kanyang career.

Patuloy ng aming source, “Sa tagal na rin namang artista ng anak niya, e, siguradong alam na ng daddy ni young male personality kung ano at paano ang gagawin niya sa career ng bagets.

“Ang point ng kampo ng male personality, e, sangdamakmak daw naman kasi ang alaga ng talent agency na humahawak sa kanya. Hindi raw siya nabibigyan ng focus, kaya kung anu-anong project na lang ang ibinibigay sa kanya!

“Ang father na raw niya ang magma-manage sa kanya, hindi kukuha ng ibang manager ang bagets, basta hindi na raw kasi siya masaya sa nangyayari sa career niya na parang wala namang pinatutunguhan.

“Ewan lang kung susunod sa kanya ang girlfriend niya, ha? Isang talent agency lang kasi ang humahawak sa kanila. Alam n’yo naman, sobrang mahal ng girl ang boyfriend niya, kaya baka nga!

“Malay natin, baka sumunod na ring magpa-release sa kanya ang girl! Kung saan nandu’n ang mahal niya, e, du’n na rin siya!” madiing sabi pa ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pili na lang uli kayo ng gusto n’yong kulay, ha? Red ba, black or white?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending