Vice Ganda na-starstruck sa Korean actor: Ay jusko! Ang gwapo!!!
HINDI napigilan ni Unkabogable Star Vice Ganda ang kiligin nang bonggang-bongga nang mapanood sa isang Tagalized Korean series ang Korean actor na si Cha Eun Woo.
Talagang ni-repost pa ng TV host-comedian ang video clip ng isang nakakakilig na eksena sa hit Korean romcom na My ID Is Gangnam Beauty na pinagbibidahan nga ni Cha Eun na member din ng grupong Astro.
Sa nasabing video na in-upload ng Saranghaeyo Oppa Facebook page at ni-repost nga ni Vice sa kanyang Instagram Stories, maririnig ang boses ng Showtime host na super kilig sa Korean actor.
“Ang gwapo naman ng lalaking ‘to! Anong pangalan niyan? Ang gwapo! Ay jusko ang gwapo ng bata,” chika ni Vice.
Ang Tagalized version ng My ID is Gangnam Beauty ay napapanood ngayon sa ABS-CBN. At hindi lang si Vice ang kinikilig at nai-in love kay Cha Eun Woo, kundi maging ang sandamakmak na Kapamilya viewers na naaadik sa Gangnam Beauty.
At dahil nga sikat na sikat na ngayon si Eun Woo sa Pilipinas, tuloy na tuloy na ang pagbisita sa bansa ng Korean star.
Magaganap ang first fan meet niya sa Oct. 26, 2019 sa New Frontier Theater bilang bahagi pa rin ng kanyang “Just One 10 Minute.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.