Kris pasabog ang ganti sa ‘ghosting’ ni Rayver
Unti-unti nang malalantad kung sino ang nanggugulo sa relasyon nina Yvie (Megan Young) at Matteo (Rayver Cruz) sa pagpapatuloy ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA Afternoon Prime.
Sa pamamagitan ng anak nilang si Santino hindi na maitatago ni Naomi (Kris Bernal) ang kanyang pagmumulto at paghihiganti sa mga taong nang-api sa kanya.
Sa pagpapatuloy ng kuwento, gagamitin ni Naomi si Santino para mas lalong magalit si Yvie kay Matteo at tuluyan nang masira ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Hindi siya titigil sa pang-aaswang sa lalaking nang-ghosting sa kanya na nauwi nga sa kanyang pagpapakamatay. Kaya tutukan ang mas kahindik-hindik pang mga eksena sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko after Eat Bulaga sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.