El Nino Task Force muling binuo ng Palasyo sa harap ng banta ng tagtuyot
MULING binuhay ng Palasyo ang El Nino Task Force sa harap naman ng banta ng tagtuyot sa bansa.
Ipinalabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Memorandum Order number 38 na nag-aatas sa National Economic Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia na pangunahan ang El Nino Task Force.
“Recent monitoring and analyses of the Department of Science and Technology (DOST)- Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa) indicate that the war sea surface temperature which started in November of last year in the centeral and eastern equatorial pacific has fully developed into the El Nino phenomenon,” sabi ni Medialdea.
Idinagdag ni Medialdea na base sa pagtaya ng Pagasa, 75 porsiyento na posibleng tumama ang El Nino sa bansa ngayong Agosto.
“The recurrence of the El Nino phenomenon calls for the implementation of both short and long-term solutions to ensure food, water and energy security, safeguard livelihood and improve the country’s disaster and climate resilience,” ayon pa kay Medialdea.
Matatandaang naging apektado ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa sa water interruption dahil sa pagbaba ng lebel ng tubig ng Angat Dam at iba pang dam dahil sa hindi pag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.