May tatlong amo sa HK, terminated pa! | Bandera

May tatlong amo sa HK, terminated pa!

Susan K - August 16, 2019 - 12:15 AM

SA gitna ng kaguluhan sa Hongkong ay napauwi ang isang OFW matapos itong magreklamo sa kanyang amo kung bakit tatlong bahay ang kanyang pinaglilingkuran.
Lumapit sa Bantay OCW sa Radyo Inquirer ang OFW na may inisyal na MG. Tatlong linggo pa lamang siyang nagtatrabaho sa HK. Galing na siya ng Taiwan at Middle East at sa ikatlong paga-abroad niya, sa HK naman siya napunta.
Alam niyang mali ang pinagagawa ng kanyang amo. Ayon sa pinirmahang kontrata, dapat sa isang amo at isang bahay lamang siya magtatrabaho.
Kaya nang nagreklamo siya sa amo, agad-agad sinibak at dinala sa kanyang ahensiya sa HK. Hindi rin siya nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng kapalit na amo sa loob ng 14 days na itinatadhana ng batas.
At kapag bumababa o umaalis na sa employer ang domestic helper sa Hongkong, binibigyan ito ng dokumento na kung tawagin ay “good release” o “bad release.
Dahil nga sa nagreklamo siya, bad release ang ibinigay sa kaniya. Hindi na rin niya nagawang lumapit pa sa Konsulado ng Pilipinas dahil nagbigay ang kaniyang amo ng pang plane ticket nito at agad namang pinauwi siya ng kanyang ahensiya pabalik ng Pilipinas.
Nagkamali ang ating kabayan ng nilapitan. Hindi siya dapat nagreklamo sa kanyang employer. Natural na magagalit iyon dahil ipinamukha niya na mali ang ipinagagawa sa kanya. At alam din ng amo ang posibleng kaso na haharapin niya dahil sa hindi pagsunod sa pinirmahang kontrata.
Dahil kapag nahuli ng pulis ang ating OFW na nagtatrabaho sa ibang bahay na hindi naman nakasaad sa kanyang kontrata, siya pa ang maaaaring makasuhan. Kaya naman inapura ng naturang employer ang pagpapauwi sa OFW.
At palibhasa magulo ang situwasyon ngayon sa Hongkong, sinabayan na rin ito ng kanyang amo upang hindi na makapagreklamo pa sa Konsulado ang ating kabayan.
Ngayong naririto na siya sa Pilipinas, mananagot ang recruitment agency na nagpaalis sa kanya. Maaaring habulin ng OFW ang kanyang money claims ayon sa probisyon ng batas.
Ipinadala ng Bantay OCW sa tanggapan ni Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang kasong ito at hihintayin ng Bantay OCW ang magiging aksyon ng kanilang tanggapan hinggil sa problema ng OFW.
Sa mga OFW natin na nakararanas ng mga pang-aabuso tulad ng hindi pagsunod sa mga kontratang napirmahan, huwag po kayong magreklamo sa inyong mga amo.
Ilapit ang problemang tulad nito sa ating Philippine Embassy o Konsulado ng Pilipinas kung saang bansa kayo naroroon dahil ang mga opisyal natin ang haharap sa inyong mga employer upang panagutin sila sa inyong mga reklamo.
Mapapabilis at mabibigyan kaagad ng hustisya ang inyong mga kaso habang nasa abroad pa kayo, kaysa naman nakauwi na kayo ng Pilipinas.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending