Dagdag na sahod kapag holiday | Bandera

Dagdag na sahod kapag holiday

Liza Soriano |August 16,2019
facebook
share this

Dagdag na sahod kapag holiday

Liza Soriano - August 16, 2019 - 12:15 AM

ISA sa mga inaabangan ng mga empleyado ay ang holiday o ang araw na walang pasok.

May tatlong holidays ngayong Agosto . Dalawa ang regular holidays habang isa ay special non-working holiday

Regular holiday ang August 12— Eid’l Adha at August 26, na last Monday of August— National Heroes’ Day Habang special non-working holiday naman ang Agosto 21—Ninoy Aquino Day.

Ngunit may mga pagkakataon na kailangang magtrabaho kahit na regular holiday.

Para mabigyang kaalaman. Narito ang dagdag sa sahod kapag holiday.

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na bayaran nang tama ang mga empleyado tuwinf regular na holiday.

Dapat bayaran nang tama ang mga empleyadong magtatatrabaho sa araw ng holiday at dapat sundin ang alituntunin na nakasaad sa labor standards.

Narito ang kompyutasyon ng sahod sa darating na Araw ng Kalayaan:

Kung hindi magtatrabaho ang empleyado sa regular holiday, tatangap pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang sahod para sa araw na iyon.

[(Daily rate + Cost of Living Allowance o COLA)] x 100%]

Para naman sa mga magtatrabaho kahit regular holiday, tatanggap ang manggagawa ng 200 posiyento para sa araw na iyon, para sa unang walong oras. Samakatuwid, doble ng sahod para sa araw na iyon ang matatanggap ng empleyadong papasok kahit na regular holiday.

[(Daily rate + COLA) x 200%]

Kung magkataon namang lumagpas sa walong oras o mag-overtime sa trabaho ang manggagawa, dapat siyang bayaran ng dagdag na 30 porsiyento ng kanyang hourly rate o ang nakatakdang bayad niya sa bawat oras.

(Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x number of hours worked)

Kapag nagkasabay ang holiday at rest day ngunit nagtrabaho pa rin ang empleyado, siya ay tatanggap ng karagdagan 30 porsiyento ng daily rate na 200 porsiyento.

[(Daily rate + COLA) x 200%] + [30% (Daily rate x 200%)]

Kung sakaling mag-overtime pa ang empleyado, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate.

(Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x 130% number of hours worked

Samantala sa special non-working days o ang mga araw na may inaalalang espesyal na event ngunit ang pagdedeklara kung may pasok o wala ay nakadepende sa ating Presidente.

Ang sinumang mangagawa na papasok sa araw na special non-working day ay dapat namang makatanggap ng 130% ng kaniyang isang araw na suweldo.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer
Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending