Mariel isinugod sa ospital kaya biglang nawala sa It’s Showtime
CRAYOLA (read: cry) si Mariel Rodriguez sa special gift na natanggap niya mula sa Magandang Buhay sa send-off party na ibinigay sa kanya ng mga host ng show na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros.
Naging very emotional si Mariel nu’ng makita niya ang kuwintas na special gift sa kanya ng programa.
Simpleng necklace lang naman yun, but what made it special and made Mariel cry ay nu’ng makita niya ang pendant nito. Naka-design kasi roon ang picture ng painting na ginawa ng anak nila ni Robin Padilla na si Isabella.
Bukod sa kuwintas, tuwang -tuwa rin si Mariel sa iba pang gifts sa kanya especially yung baby crib. Wala pa raw kasi sila nito para sa ipinagbubuntis pa lang niya na si Maria Gabriella.
Habang umiiyak sa tuwa si Mariel, tawa naman nang tawa sa kanya ang mister na si Robin na nag-special appearance sa Magandang Buhay.
Naaliw daw kasi si Robin sa misis niya na kapag naha-happy, even with little things, ay umiiyak agad.
Anyway, isinugod pala sa ospital si Mariel nu’ng makaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan habang nasa It’s Showtime. Buti na lang at may ambulansya sa ABS-CBN na laging naka-stand by sa labas ng studio. Hindi na tinapos ni Mariel ang show at agad na siyang dinala sa ospital.
That was a day lang before ng bonggang surprise birthday party niya kay Robin. Kaya alalang-alala si Mariel na baka ‘di na siya payagan ng doktor na umuwi at ma-confine na sa ospital.
Say naman ni Robin, mahilig daw talagang mag-throw ng party si Mariel. Para sa kanyang asawa ang party ay time para sa happy moments ng pamilya.
No wonder kahit sa pagre-reveal lang ng gender ng second baby nila, e, nagpa-party pa si Mariel. At ‘di lang basta party, huh! It’s a lavish one.
Keri naman ni Mariel na magpa-party nang bongga. Bukod sa may work si Mariel, mukhang marami na rin ang naipon ni Robin para sa trip ng misis niya.
Kwento nga ni Phillip Salvador, di pwedeng kwestyunin ang pagsama-sama nila sa trip ni President Rodrigo Duterte dahil sariling pera raw nila ang ginagastos nila for their accommodations. Si Robin pa ang nagpapa-book ng sarili niyang hotel at siya mismo ang nagbabayad.
Yayamanin talaga si Robin, ‘di ba? E, yung bahay na lang daw nina Robin at Mariel sa Multinational Village sa Parañaque ay kay laki-laki na.
Tsika ng source namin, lahat daw nang napapadaan sa tapat ng bahay nila na hindi tagaroon ay gulat na gulat sa laki nito. ‘Yun ang pinakamalaking bahay na nakita nila sa nabanggit na village. Wow na wow!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.