Aiko sa politikong nagdawit sa kanya sa ilegal na droga: Dapat managot, I’ll see you in court! | Bandera

Aiko sa politikong nagdawit sa kanya sa ilegal na droga: Dapat managot, I’ll see you in court!

Bandera - August 16, 2019 - 12:15 AM

AIKO MELENDEZ

HINDING-HINDI iaatras ni Aiko Melendez ang kasong libel na isinampal niya sa dating vice governor ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng.

Ayon kay Aiko, anumang araw mula ngayon ay bababa na ang resolution ng piskalya kung may probable cause sa kanyang demanda at umaasa siya na aakyat ito sa korte.

Grabeng stress daw ang inabot ng award-winning actress sa ginawa umanong paninira sa kanya ng nakalaban ng boyfriend niyang si Jay Khonghun noong nakaraang eleksyon sa pagka-vice-governor ng Zambales. Idinawit kasi siya nito sa isyu ng ilegal na droga kaya nagdesisyon na siyang magdemanda.

Actually, sinubukan na ng piskalya na pag-ayusin sila pero hindi pumayag si Aiko, kailangan daw managot ang kanyang kinasuhan sa paninirang-puri sa kanya.

“Somebody has to learn a lesson, dapat managot. It’s not always na you’re a goody-goody, dapat kapag may ginawa ka, alam mo kung paano panagutan ‘yan,” pahayag ng aktres sa nakaraang mediacon ng bagong afternoon series ng GMA 7 na Prima Donnas.

“Sinasabi nga nila, ‘Tapos na yung eleksyon, nanalo na kayo, patawarin n’yo na.’ Oo, pero yung pagdudungis mo sa pa-ngalan ng isang tao, kailangang ayusin mo rin. Linisin mo yung ginawa mo sa akin.

“Kasi, hindi naman ako parte ng eleksyon, e. Campaigner lang naman ako. Pero ‘yung iniwan mo sa aking dagok, yung sleepless nights, yung death threats na nakuha ko, e, malay mo, one of these days, baka pag-akusahan ka na kasabwat ka sa isang drugs, is a very sensitive issue.

“Kasi, di ba, nakikiisa ako sa mga anti-drug campaign tapos pagbibintangan mo ako niyan? Serious allegation iyan, kaya somebody has to pay for it. Kaya, I’ll see you in court!” ma-tapang pang pahayag ni Aiko.

In fairness, isa raw ang “stress diet” sa naging dahilan ng mabilis niyang pagpayat. Ang seksi-seksi na ngayon ni Aiko kaya talagang inirampa niya ang kanyang maalindog sa katawan sa nakaraang presscon ng Prima Donnas.

Napa-wow pa nga ang ilang members ng press at bloggers na present sa mediacon ng pinakabagong afternoon serye ng GMA dahil may pa-boobs pa ang aktres sa kanyang super sexy red outfit.

Gaganap na kontrabida si Aiko sa Prima Donnas bilang si Kendra, ang babaeng gagawin ang lahat mapasakanya lang ang lalaking pinakamamahal na ginagampanan naman ni Wendell Ramos.

Sabi ng nagbabalik-Kapuso actress, si-guradong kasusuklaman siya ng mga manonood dahil sa mga gagawin niyang kasamaan sa serye pero naniniwala siya na maiintindihan din ng Kapuso viewers ang kanyang pinanggagalingan habang tumatakbo na ang kuwento.

Samantala, natanong din si Aiko kung paano niya ikukumpara ang tatlong lead young stars ng serye na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo sa ibang mga artista na naging tween stars din na nakatrabaho na niya in the past.

Sagot ng award-winning actress, naniniwala siya na may kanya-kanyang katangian ang tatlong Kapuso young ladies, “I think they are going to make their own identity without having to follow anybody’s footsteps.

“Mukhang magagaling na artista sila and mayroon silang magiging puwang at puwesto sa industriya,” aniya pa.

Puring-puri rin ng direktor ng PD na si Gina Alajar ang tatlong tween stars, “Natutuwa ako sa kanila kasi ang gagaling nila. At a very young age, nakikinig sila at lahat nasusundan nila, may gusto silang mangyari sa sarili nila. Gusto nilang maging successful sila at kikilalanin na mahusay na artista.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin sa rin sa Prima Donnas sina Katrina Halili, Chanda Romero, Elijah Alejo at Benjie Paras, sa direksyon ni Gina Alajar. Magsisimula na ito ngayong Aug. 19 sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending