Jerald Napoles sa Chinese na nagbaon ng diaper sa Boracay: Mga balahura!!!

By Alex Brosas August 15,2019
share this

Jerald Napoles sa Chinese na nagbaon ng diaper sa Boracay: Mga balahura!!!

By Alex Brosas August 15,2019
share this


AFFECTED much si Jerald Napoles sa video na kanyang nakita sa Facebook kung saan isang Chinese mom ang nakitang ibinabaon sa sand ng Boracay ang diaper na ginamit ng kanyang anak.

“Saw this video on FB of Chinese parents burying used diapers under the sands of Boracay, pardon my words pero. Tang na! Mahal ko ang buhangin ng Boracay! Balahura! I am not intending to generalise the whole race. It’s just that there are too many violations to my country already,” talak ni Jerald sa Twitter.

Ang daming nag-react sa post na ‘yun ni Jerald. Kababuyang walang katulad ang tingin nila sa nanay na gumawa noon.

“I agree tang na nila! sa Hongkong nga lang pag masipag kang maglakad makakakita kang dura sa gilid. So kung magagawa nila sa bansa nila what more kung sa hindi di ba?”

“Sa Siargao din!!! Though di sila Chinese pero foreign diba. Nagpalit ng diaper, then hinayaan nalang alunin yung used diaper.”

“Kakagigil naman ang taong yan. di ba nia alam na kakalinis lang ng boracay at binabalahura na naman at isa pang dayuhan dapat mga ganyan wag na papasukin uli ng pinas. Ideport na yan.”

“Baboy po sila. We went to China two years ago. Kadiri un isang mommy. She let her daughter pooped on a piece of newspaper habang nakapila for bus. Iniwan lng un paper with poopoo sa ground. Baboy po talaga.”

Sana ay ipatawag ang nanay na ‘yun at ipa-deport. Nakakahiya ang ginawa niya. Kung sa bansa nila kaya gawin ang ganoon, matuwa kaya siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending