Ion Perez wala nang hiya-hiya, balak nang mag-propose kay Vice Ganda: Say yes please!

By Alex Brosas August 14,2019
share this

Ion Perez wala nang hiya-hiya, balak nang mag-propose kay Vice Ganda: Say yes please!

By Alex Brosas August 14,2019
share this

NAINTRIGA ang netizens when Ion Perez, wearing a formal attire, tagged Vice Ganda sa kanyang Instagram post.

What intrigued netizens more ay ang katagang “Say ‘YES’ please” na ipinost ni Ion sa kanyang IG account.

Some took it to mean that he is proposing to Vice. Others naman thought he was asking the Unkabogable Star na siya ang gawing date sa 2019 ABS-CBN Ball.

Anyway, marami ang kinilig sa post na iyon ni Ion.

“Go na, di ka na bumabata. Mag pre nup para walang masabi. Tas go na sa ibang bansa muna. Enjoy ur lovelife. Congrats may true love ka na.”

“You deserve to be happy Vice. Salamat sa mga araw na talagang napapatawa moko kahit mabigat ang problema. God bless you both.”

“Wow congrats both of you and sobra nakakahanga din tong si Ion kahit alam nya hindi sya mabibigyan ng anak ni Vice go lang. Iba talaga nagagawa ng pag ibig. god bless.”

Mayroon din namang nam-bash pero agad-agad ay ipinagtanggol ng fans ang host ng Gandang Gabi, Vice.

“Hayaan nating maging masaya si meme vice, wag nating pakialaman buhay nya, ano ang gusto nyo kayo lang ang masaya, wag po tayong makasali, bawat tao may karapatang sumaya o lumigaya,” said one fan.

“Wag masyado mapaghusga. Unang-una inagrabydo ba kau? Respeto na lang sana. mas nakakasuka ung idya-judge nio ang isang tao na nagpapakatotoo lang naman sila sa nararamdaman nila,” said another fan.
Naku, tiyak na mas maraming kikiligin kung magge-guest si Ion sa GGV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending