HINDI na umano dapat patawan ng malaking singil ang mga gumagamit ng Automated Teller Machine dahil pera ng mga depositor ang kinukuha nila.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel pinagkakakitaan na ng mga bangko ang pera ng mga depositor kaya hindi makatwiran na singilin pa nila ang malaki ang mga ito kapag magwi-withdraw.
“Offhand, we see no justification for banks to impose ATM charges in excess of the P10 to P15 that they are currently collecting per single interbank withdrawal transaction, considering that depositors are merely taking money that they lent to the bank,” ani Pimentel. “However, they might become ‘annoying fees’ as soon as they are increased.”
Sinabi ni Pimentel na sa isasagawang imbestigasyon ng House committee on banks and financial intermediaries dapat ay matukoy kung saan napupunta ang ATM fee.
“What we know is that all sorts of ‘fee income’ now constitute a big chunk of the core earnings of banks, apart from net interest income and trading gains,” dagdag pa ng solon.
Dapat din umanong ipatawag ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang malaman kung bakit inalis nito ang moratorium sa pagtataas ng ATM fees na ipinataw noong 2013.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.