Gusto nang mag-out | Bandera

Gusto nang mag-out

Beth Viaje - August 14, 2019 - 12:15 AM

ATENG Beth, good morning!
Closeted gay po ako dahil may pagka-homophobic po ang mga tao sa amin.
Pero ipit na ipit na po ako ngayon, hindi ko magawa ‘yung mga gusto kong gawin dahil sa kanila. Nagpupumilit akong makasabay sa gusto nila pero hirap na hirap po ang damdamin ko.
Lalo na ngayon na pilit nilang ipinade-date ang isang kaibigan ng pamilya.
Mabait naman po ‘yung girl pero di girl ang type ko. Ano bang gagawin ko? Naloloka na ako.
‘Pag nagsabi po ako ay baka hindi na ko kausapin ng pamilya ko. Pag di ko naman sinabi, ako naman din ang magsa-suffer.
Sharon
Dear Sharon,
Alam mo ‘yung pamilya, minsan kailangan lang bigyan ng panahon at pagkakataon.
Takot ka na baka hindi ka nila matanggap pero bakit kaya di mo muna sila bigyan ng pagkakataon? Maigi na ‘yung magsabi ka ng totoo sa kanila kaysa pinahihirapan mo ang iyong kalooban.
Ganito ‘yun: kung sasabihin mo sa kanila ngayon, natural mabibigla sila. Natural may reaksyon sila. Either mabigla, magalit, madisappoint, manghinayang.
O di kaya pwede ring dahil sa sasabihin mo, eventually magbukas ang isip nila, ang puso nila, makaintindi sila and eventually matanggap ka nila.
Nasa panahon tayo na wala ng “normal” so either makisabay ka o maiwan ka.
And I think kailangan lang ng pamilya mo ng panahon na either maiwan sila o makisabay sila.
Anyway, hindi naman lahat ‘yan matatanggap ka o mamaliitin ka. Pero you should accept the fact that you can not please everybody. Ang mahalaga, hindi ka masi-zero sa makauunawa sa iyo, either mapapinsan mo ‘yan o tita o tito. We never know baka hangaan ka pa ng iba dahil sa iyong guts to tell the truth.

Hinay-hinay lang din ang paglaladlad, ‘yung hindi naman sila aatakihin sa puso (joke!). Ang gusto ko lang sabihin, wag naman bigla-biglang naka-gown agad at kuntodo ang make up. Nasa timing ang lahat.
‘Yun nga ‘yung sinasabi kong bigyan mo sila ng pagkakataon na mag-isip habang di pa nila tanggap. Makita nila na dahil ba beki ka na hindi ka na responsableng anak at kapatid, hindi ka na mapagmahal, hindi ka na mabait?
Besides, ikaw ang “nagbago” so kung may reaksyon sila, huwag mong masamain. Mag- out ka na girl, bago pa ma-fall si Ms Nice Girl na nirereto sa ‘yo tapos malalaman niya lang na pareho pala kayo ng shade ng lipstick!
Pag di ka na kinakausap ng parents mo, manatili ka pa ring mabuting tao at anak sa kanila. Pasasaan ba’t matatanggap ka rin nila at kakausapin. Wishing you the best!

May nais ka bang isangguni kay Ateng Beth? I-text sa 09156414963.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending