Kontrobersyal na aktor maramot sa Pamilya, utol na nag-artista hindi pinatira sa bahay

By Cristy Fermin August 13,2019
share this

Kontrobersyal na aktor maramot sa Pamilya, utol na nag-artista hindi pinatira sa bahay

By Cristy Fermin August 13,2019
share this

MAY mga kaibigan ang pamilya ng isang kontrobersiyal na male personality na kumokontra sa mga lumalabas na balita na marami pang pangarap ang aktor kaya wala pa sa kanyang isip ang pag-aasawa.

Ang unang prayoridad daw kasi ng aktor ay ang kanyang pamilya, hindi pa raw sapat ang mga naitutulong niya sa kanyang mga mahal sa buhay, kaya makapaghihintay ang paglagay niya sa tahimik.

Ganu’n ang palaging sinasabi ng male personality, kaya ang pananaw ng mga nakakarinig, isa siyang generous member ng kanilang pamilya.

Pero may kuwento ang aming chikadorang source tungkol du’n, may malalapit palang kaibigan ang pamilya ng aktor sa probinsiya na nakakaalam ng totoo, ito ang mahabang kuwento ng aming impormante.

Sabi nito, “‘Yun ang sinasabi niya, pero maraming nakakaalam na hindi naman para sa family niya ang lahat ng mga ginagawa niya. Hindi siya generous, may karamutan siya.

“Nagbibigay siya sa family niya, totoo ‘yun, pero huwag namang sabihin na sila ang dahilan kung bakit wala pa sa vocabulary niya ang pag-aasawa.

“Hindi totoo ‘yun! Hindi siya madaling hingan ng tulong, ipinaglihi siya sa calculator! Mabilang ang male personality na ‘yun sa mga naipadadala niyang ayuda sa family niya, puwede ba?

“Tantanan na niya ang pagsasangkalan sa family niya, hindi totoo ‘yun, pangsarili niyang mga pangarap ang talagang dahilan nu’n!” chika ng aming impormante.

Heto pa. Meron palang kapatid na lalaki na pumasok din sa pag-aartista ang kontrobersiyal na male personality. Natural, lumuwas ng Maynila ang kanyang kapatid, may ginawa itong indie movie.

Kuwento uli ng aming source, “Kung totoong very generous siya sa mga kapamilya niya, bakit hindi na lang niya pinatira sa bahay niya ang utol niya, e, ang laki-laki naman ng ipinagawa niyang house?

“Bakit kinailangan pang makitira ng kapatid niya sa isang kamag-anak nila habang nandito sa Manila? Sa dami ng kuwarto sa house niya, e, puwede niya namang patirahin na lang du’n ang younger brother niya, di ba?

“May karamutan din ang male personality na ‘yun, sa totoo lang, hanggang salita lang naman siya, pero kulang na kulang sa gawa! Kasi nga, e, marami siyang ginagawang milagro sa bahay niya!

“Ano siya ngayon, buking siya! Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kailangan n’yo pa ba naman ng karagdagang clue? Kilalang-kilala n’yo kung sino siya!” pagtatapos ng aming chikadorang source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending