PINAIIMBESTIGAHAN sa Kamara de Representantes ang pagtataas ng singil sa paggamit ng Automated Teller Machine ng 50 porsyento.
Sinabi ni Makati City Rep. Luis Campos Jr., na makakaapekto sa 58 milyong ATM cardholder ang pagtataas ng singil ng mga bangko kaya dapat suriin ng House committee on banks and financial intermediaries kung nararapat ang pagtataas na ito.
“Even more vulnerable are our estimated 4.1 million minimum wage earners. Many of them receive and withdraw their salaries twice a month through their ATM cards at the machine nearest them,” ani Campos.
Noong Hulyo 19 ay inalis na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang moratorium sa ATM Fees.
Ayon kay Campos nais ng mga bangko na itaas ng hanggang 50 porsyento ang singil sa kanilang ATM transactions.
Ang mga bangko ay naniningil ng P10-P15 kada withdrawal at P2 kada interbank balance inquiry.
Sinabi ni Campos na mistulang mayroon ng monopolya sa interconnection ng 21,682 ATM sa bansa.
Ang ExpressNet Inc. ay nag-outsourced ng kanilang ATM network sa BancNet Inc. noong 2008. Ang BancNet at MegaLink Inc. ay nag-merge naman ng kanilang ATM network noong 2015.
“In this case, we are clearly compelled under The Consumer Act, or Republic Act 7394, to conduct an inquiry so as to safeguard the rights of ATM users,” ani Campos. “We are worried that the forthcoming increases in ATM charges might harm consumers – the nation’s more than 58 million ATM cardholders.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.