Eeeewwww: Sikat na female celeb diring-diri pag naririnig ang pangalan ng ex-dyowa | Bandera

Eeeewwww: Sikat na female celeb diring-diri pag naririnig ang pangalan ng ex-dyowa

Cristy Fermin |August 12,2019
facebook
share this

Eeeewwww: Sikat na female celeb diring-diri pag naririnig ang pangalan ng ex-dyowa

Cristy Fermin - August 12, 2019 - 12:15 AM

SA lahat ng pakikipaghiwalay ng isang pamosong female personality sa kanyang mga dating karelasyon ay hindi masyadong maingay ang paghihiwalay nila ng isang kilalang lalaking personalidad.

Kontrobersiyal ang iba niyang mga pakikipaghiwalay, pero sa isang aktor ay tahimik lang, ano ba ang dahilan?

Kuwento ng isang source, “Naku, hindi siya nag-ingay nu’n dahil wala siyang time! Totoo, ayaw niyang sayangin ang panahon at laway niya sa pakikipag-argumento sa ex niyang ‘yun!

“Siguro, pakiramdam niya, kapag nagsalita pa siya tungkol sa break-up nila, e, hahaba lang nang hahaba ang issue, kaya para wala nang ganu’n, e, nanahimik na lang siya!” unang chika ng impormante.

Hindi naman siguro dahil sa hindi malalim ang pagmamahalan nila, imposibleng ganu’n, dahil nagkaroon pa nga ng bunga ang relasyon nila.

Balik-chika ng aming source, “Marami ngang nagtaka kung bakit parang walang ingay ang paghihiwalay nila, e. Kasi, di ba, maingay ang girl sa kahit anong nangyayari sa buhay niyang personal?

“E, bakit sa break-up nila nu’ng male personality, e, hindi siya nag-ingay? Kasi nga, wala raw siyang time! Nanghihinayang ang girl sa effort na gagawin niya!

“Nakakaloka! Siguro nga, e, ayaw na niyang buksan pa ang nakaraan nila. Pero marami siyang kaibigang pinagsasabihan ng mga reasons kung bakit!

“Nu’ng mga huling months pala ng pagsasama nila, e, madalas nang umuuwi ang girl sa bahay ng family niya. Kasi pala, e, bihira na ring umuwi ang male personality dahil palaging nakababad sa pagsusugal!

“Yes! Sugarol nga ang karelasyon niya! May mga kaibigan siyang kasugal, mapera ang mga kalaban niya, samantalang siya, e, hindi naman kumikita nang malaki!

“Ganu’ng wala na nga siyang kinikita, e, sugal pa rin siya nang sugal! Ang girl na nga lang ang gumagastos sa lahat-lahat, tapos, nagsusugal pa siya nang walang habas!

“Kapag binanggit mo ngayon sa girl ang name ng male personality na ‘yun, e, para siyang napapa-eeeewwww!!!! Kinikilabutan siya! Pinagsisisihan niya nga siguro kung bakit niya kinarelasyon ang taong ‘yun!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero ang hinding-hindi niya pinagsisisihan, e, ang iniwang regalo sa kanya nu’ng male personality! Mahal na mahal ng girl ang anak nila, sa totoo lang! Walang sustento sa anak nila ‘yung male personality, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Joshko, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, bigay na bigay na ang mga clue kung sinu-sino sila, kaya si-guradong hindi kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending