Zombie movie ng JoshLia dapat sa 2020 na ipalabas para iwas 'malas' | Bandera

Zombie movie ng JoshLia dapat sa 2020 na ipalabas para iwas ‘malas’

Reggee Bonoan |August 12,2019
facebook
share this

Zombie movie ng JoshLia dapat sa 2020 na ipalabas para iwas ‘malas’

Reggee Bonoan - August 12, 2019 - 12:05 AM


MAY nagtanong sa amin kung kailan ang showing ng pelikulang “Block Z” nina Julia Barretto, McCoy de Leon at Joshua Garcia na idinirek ni Mikhail Red for Star Cinema.

Hindi pa namin alam kung kailan ito isasalang sa mga sinehan kaya wala kaming masagot sa kausap namin. Ito’y sa gitna naman ng isyung kinasasangkutan ni Julia na may kinalaman pa rin sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Sabi namin, baka pinag-iisipan pang mabuti ng Star Cinema ang playdate nito dahil sa mga nangyari.

Pero ang alam namin, patuloy pa ring nagdiriwang ang buong Star Cinema and their artists sa “Hello, Love, Goodbye” dahil humamig na ito ng mahigit P400 million as of Aug. 10.

Kaya hayaan na lang munang ipagbunyi ito ng Star Cinema at lahat ng taong involved sa movie lalo’t marami pang nakatakdang international screenings ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sabi nga namin sa aming kausap, baka puwedeng next year na ipalabas ang “Block Z” kapag nakalimutan na ng mga tao ang isyu nina Joshua at Julia na nadamay pa sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea at Gerald dahil hangga’t mainit ang usapin, malamang na maapektuhan ang pelikula sa takilya.

Though civil naman sa isa’t isa ang JoshLia, e, iba pa rin siyempre kung mula pa rin sa puso ang pagsasama nila para sa promo ng “Block Z.”

Kaya for the meantime, mag-“Hello, Love, Goodbye” muna tayo na pinaniniwalaang lalagpas pa sa P500 million mark sa mga susunod na araw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending