KC: Tigilan n’yo na ang tsismis na buntis ako! Sana nga totoo…
“HINDI ako nabuntis kahit kailan! Sana nga!”
Ito ang ipinagdiinan ni KC Concepcion hinggil sa hindi mamatay-matay na chika na buntis siya kasabay ng pakiusap sa ilang netizens na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news.
Sa kanyang Instagram account, nagpa-question-and-answer ang anak ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang followers, sinagot naman ni KC ang mga tanong about her personal life.
Isa sa mga sinagot ng singer-actress ay ang tanong ng isang netizen na, “Are u pregnant kc?”
Diretso itong itinanggi ni KC, “You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already.
“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON.
“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!” sagot pa ng dalaga.
Komento naman ng isa niyang follower, “Ang bansang tumaba ka lang BUNTIS ka na, PHILIPPINES!!! Hahahaha. Love you kace.”
Um-agree naman dito ang dalaga, “Korek!!! Kaya nga eto nagpapapayat na ko at nageenjoy sa life at baka mapagkamalan pa akong buntis ng paulit ulit…ulit ulit…ulit ulit… walang katapusan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.