Liza Dino bagsak: Nakatulog sa date nila ni Ice Seguerra | Bandera

Liza Dino bagsak: Nakatulog sa date nila ni Ice Seguerra

Reggee Bonoan |August 10,2019
facebook
share this

Liza Dino bagsak: Nakatulog sa date nila ni Ice Seguerra

Reggee Bonoan - August 10, 2019 - 12:29 AM

TAWA nang tawa si Film Development Council of the Philippines Chairperson Liza Diño sa sinulat namin dito sa BANDERA kahapon.

Ito yung tungkol sa Instagram post niya kung saan pinuri niya ang asawang si Ice Seguerra sa iWant digital series nitong Call Me Tita na gumaganap bilang love interest ni Mylene Dizon.

Aniya, “Huhuhu! Hindi ako (leading lady). Hahaha!”

Tinanong namin kung nagselos ba siya, “Konti. Hahaha. Ganon pala feeling. I mean not selos kay Mylene ah, just to see him onscreen with a partner. First time ko. Hahaha.”

Hirit namin sa kanya, “Lagot hindi na makakaulit si Ice. Papayagan n’yo po ba uling tumanggap ng same role with kissing scene?”

“Oo naman, we’re actors. It’s part of our job. And kung may kurot to see him on screen with another girl, then that means kasi ang galing n’ya as an actor,” pahayag ng wifey ni Ice.

Gustung-gusto na uling umarte sa harap ng kamera ni Chair Liza pero sa sobrang dami ng ginagawa niya na umaabot sa lima hanggang pitong meeting sa isang araw ay paano pa siya tatanggap ng offer? 

Naaliw din kami sa post ni Ice sa IG ng litrato nila ng asawa sa isang restaurant kung saan sila nag-celebrate ng kanilang monthsary nitong Huwebes. 

Tila kasi nakatulog na si Liza sa date nila ni Ice. Ang caption, “Hindi na kinaya ng ka-date ko. Happy monthsary, Lablab!”

Ayan, dahil nga sa sobrang dami ng trabaho niya sa FDCP bagsak na si Chair Liza. Pero maswerte naman siya sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Ice dahil naiintindihan nito ang kanyang trabaho.

Sigurado namang may mga pagkakataong bumabawi rin si Chair Liza kay Ice kapag wala na siyang masyadong commitments.

Samantala, successful naman ang provincial promos ng ilang pelikulang kasama sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino at habang tinitipa namin ito ay kasalukuyang nasa Davao City ang cast ng “G!” na sina Mark Oblea at Paulo Angeles; ang mga bida ng “Open” na sina JC Santos at Arci Muñoz; at sina Jean Garcia/Junyka Santarin ng “Watch Me Kill.”

Sa susunod na weekend ay nasa Pampanga naman ang ibang representative ng iba pang pelikula.

Anyway, makukumpleto naman ang lahat ng artista sa PP3 Grand Fancon sa Agosto 31 na gaganapin sa SMX Convention Center, Pasay City.

Ang event venue ay mapupuno ng interactive booths at mockup sets ng bawat pelikula ng PPP 2019. Magkakaroon kayo ng chance na pasukin ang mundo ng bawat pelikula at ng mga character ng mga paborito mong artista.

Ang PPP 2019 Grand Fancon ay may activities at live performances na gaganapin buong araw, kasama na rito ang live music performances mula sa PPP 2019 movie theme songs. 

Magkakaroon din ng sari-saring talks, makeup 101s, meet-and-greets, Q&As at karaoke singing sessions.

Inaasahang dadalo sa grand fancom sina Sue Ramirez at RK Bagatsing ng “Cuddle Weather” directed by Rod Marmol; Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Ben & Ben ng “LSS” (Last Song Syndrome) ni Jade Castro; Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario ng “The Panti Sisters” ni Jun Robles Lana.

Dadalo rin sina McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea ng “G!” ni Dondon Santos; Maris Racal at Iñigo Pascual ng “I’m Ellenya L.” directed by Boy 2 Quizon; JC Santos at Arci Muñoz ng “Open” ni Andoy Ranay; Jean Garcia, Jay Manalo at Junyka Santarin ng “Watch Me Kill” ni Tyrone Acierto.

Inaasahan din ang presence nina Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacyln Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Enchong Dee ng “Circa” ni Adolfo Alix, Jr.; Angie Ferro, Yves Flores, Meryll Soriano at Maria Isabel Lopez ng “Lola Igna” ni Eduardo Roy, Jr.; at sina Gloria Sevilla, Vince Ranillo, Suzette Ranillo at Alora Sasam ng “Pagbalik” nina Hubert Tibi at Maria Ranillo.

May chance din ang fans na manalo ng cool freebies at merchandise ng PPP 2019 films. Meron ding exciting games at special performances ng surprise guest artists.

At sa pagdiriwang ng “Sandaan: ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino,” ang unang 100 attendees na makakakumpleto ng activities ay automatic na mananalo ng festival passes.

Puwede mo ring mapanood lahat ng 10 PPP 2019 films nang libre dahil may ipamimigay ding up to 500 na PPP festival tickets na puwedeng mapanalunan sa bingo, hourly raffle, o iba pang fun activities sa PPP3 Grand Fancon.

Ang admission price ay nasa P99 lang, at magkakaroon ka na ng all-day access sa activities ng event at ng chance na manalo ng PPP festival passes, freebies at merchandise. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabibili ang tickets sa SM Ticket outlets. Ang admission guidelines ay i-aannounce sa lalong madaling panahon.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending