Kris na-hurt nang tanggihan ni Bistek ang (K)Ampon; tuloy ang love scene kay Gabby | Bandera

Kris na-hurt nang tanggihan ni Bistek ang (K)Ampon; tuloy ang love scene kay Gabby

Jun Nardo |August 10,2019
facebook
share this

Kris na-hurt nang tanggihan ni Bistek ang (K)Ampon; tuloy ang love scene kay Gabby

Jun Nardo - August 10, 2019 - 12:23 AM

PUMAYAT man at nasaktan sa mga isyung bumabalot sa kanyang 2019 Metro Manila Film Festival entry na “(K)Ampon”, hindi bumitaw at sumuko sa proyekto si Kris Aquino.

Sa mahaba niyang post sa Instagram, kinumpirma ni Kris na out na si Derek Ramsay bilang leading man niya sa movie. Pero diin niya, wala silang issues ng Kapuso hunk dahil may pinagsamahan naman sila.

Kung matatandaan, una silang nagsama sa TV commercial ng San Miguel Beer at naging mag-partner din sa isang pelikula. 

“Chill lang kami (ni Derek),” saad ni Kris sa kanyang post. Nirespeto niya ang kontrata ng hunk actor sa GMA Network dahil alam niyang priority nito ang kanyang primetime series na The Better Woman.

Si Gabby Concepcion ang pumalit kay Derek sa kanyang bagong horror film. Alam ni Kris ang regulasyon sa MMFF na kapag nagpalit ng cast, dapat ay equal level ang status.

Kaya naman nang pumayag si Gabby at ang manager nitong si Popoy Caritativo na tanggapin ang project, nabunutan ng tinik sa lalamunan si Kris dahil kung “no” ang naging sagot ni Gabo, goodbye na talaga ang “(K)Ampon”.

Third issue ang special participation sana ni Herbert Bautista sa pelikula. Nasaktan siya nang tanggihan ni Bistek ang offer.

Sinisi nga lang niya ang sarili dahil naging insensitive siya. Ang naipadala raw kasi niyang script sa dating mayor ay yung may mga love scene siya with Gabby.

Rason ni Kris inilagay na lang niya ang kanyang sarili sa posisyon ni Herbert na ayaw masama sa “gulo” once tinanggap niya ang pelikula.

Ganoon katindi ang pagmamahal ni Kris sa project dahil maganda ang kanyang role rito bukod sa co-investors sila ng management niyang Cornerstone.

So, ngayong naresolbahan na ang mga issue, tuloy na ang shooting ng “(K)Ampon” at wala na sa bokabularyo ni Kris ang bumitaw sa pagbabalik niya sa horror mula sa Quantum Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending