John Lloyd nasayang ang lahat ng sakripisyo para kay Ellen; nalayo pa sa anak | Bandera

John Lloyd nasayang ang lahat ng sakripisyo para kay Ellen; nalayo pa sa anak

Cristy Fermin |August 10,2019
facebook
share this

John Lloyd nasayang ang lahat ng sakripisyo para kay Ellen; nalayo pa sa anak

Cristy Fermin - August 10, 2019 - 12:11 AM

MARAMING nagkokomento na hindi naging sulit ang ginawang pagtalikod ni John Lloyd Cruz sa kanyang mahal na career nang dahil sa relasyon nila ni Ellen Adarna.

Napakatagal na panahon nang hindi humaharap sa mga camera ang magaling na aktor, inunawa naman ng publiko ang kanyang hiling na gusto muna niyang matikman ang pribadong buhay, ‘yung nagagawa niya ang mga bagay-bagay na matagal na niyang gustong gawin pero hindi niya maisakatuparan dahil milyon ang mga matang nakasunod sa bawat kilos niya.

Hindi naging makabuluhan para sa mas nakararami ang naging desisyon ni JLC dahil ngayon ay putok na putok na ang kuwentong naghiwalay na sila ng seksing aktres.

Lumabas na rin sa mga pahayagan sa Cebu ang pagpunta ng aktres sa husgado para humiling ng TPO (Temporary Protection Order). Ibig sabihi’y hindi malalapitan ni Lloydie ang mag-ina, dahil ang TPO ay katugon ng kasong RA 9262, tungkol sa proteksiyon ni Ellen at ng kanilang anak na si Elias.

Nakapanghihinayang na hiwalayan. Buong akala pa naman ng publiko ay sa altar na ang tuloy ng kanilang pagmamahalan, pero mauuwi lang pala sa wala.

Napakalaki ng isinakripisyo ni Lloydie para sa relasyon nila ni Ellen Adarna, ang dami-dami niyang pinakawalang magagandang oportunidad, pero ganito lang pala ang magiging resulta ng lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending