Angelica Panganiban ninakawan sa credit card: Ang kapal kapal n'yo! | Bandera

Angelica Panganiban ninakawan sa credit card: Ang kapal kapal n’yo!

Ervin Santiago - August 09, 2019 - 04:40 PM

ANGELICA PANGANIBAN

NABIKTIMA ng hinihinalang miyembro ng credit card syndicate si Angelica Panganiban.

Umabot na raw sa halos kalahating milyon ang tinangkang nakawin ng suspek sa kanyang card na halos lahat ay ginamiy sa casino. Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na sugarol ang magnanakaw.

Na-shock na lang daw si Angelica nang malaman niyang nagamit ang kanyang credit card ng isang tao sa Pampanga. Ang kapal-kapal daw ng mukha ng taong ito na gumamit ng card ng hindi sa kanya.

Ibinalita ito ng Kapamilya actress sa kanyang Twitter account kaya naman pinayuhan siya ng mga netizens na mag-report sa mga otoridad para mahuli ang magnanakaw.

“May gumagamit ng credit card ko sa Pampanga. Malapit na siya umabot sa 500k. Walang magawa mga tao,” tweet ng 32-anyos na aktres.

Talak pa ng dalaga, bakit daw hindi magtrabaho at mag-ipon ang mga taong ito sa halip na magnakaw at manglamang ng kapwa.

“Bat d kyo mag ipon para sa sarili niyo? Bat kayo magnanakaw?” chika pa ng aktres.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga fans and followers ni Angelica sa nangyaring unauthorized use ng kanyang credit card.

“Tama ka dyan Angelica. Ang kakapal ng mga mukha! Ayaw magwork tapos magnanakaw! Yan dapat ang nga tinotokhang!” 

“Be careful sa pag swipe. Wag papahawak sa iba cc mo. Sa SM ikaw na mismo mag swipe ng card kc naissue na yan na pnpicturan nla ung card and bnbenta ng 2k ung details mo sa mga kawatan. Sa online nman never save your passwords lalo na regarding paypal or bank.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang super kapal ng mukha nila. Grabe.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending