Andrea ginagawang ‘ulam’ ng kalalakihan tuwing gabi
Sa kilos, pananalita at ugali ay ibang-iba ang pagganap ni Andrea Torres bilang kambal na sina Juliet at Jasmine sa primetime series ng GMA na The Better Woman.
Mas nagiging intense na kasi ang mga eksena niya kasama ang leading man na si Derek Ramsay bilang si Andrew. May itinatago silang sikreto ni Juliet at praning na praning na si Andrew tungkol dito. Kaya naman panay ang iwas niya sa kakambal ng asawa.
Samantala, bilib na bilib naman ang Kapuso viewers sa mahusay na pagganap ni Andrea sa serye. Papuri ni Gelo Rammot, “Ang galing ni Miss Andrea T. Para talagang two different characters. Even the voice.”
Wala na talagang makapipigil sa masasamang balak ni Juliet para maakit at maangkin si Andrew.
Magtagumpay kaya siya na tuluyang sirain ang relasyon ng mag-asawa? Abangan ang sagot sa pagpapatuloy ng The Better Woman pagkatapos ng Sahaya sa GMA Telebabad.
Samantala, hindi lang ang mga kababaihang mahilig sa teleserye ang tumututok sa TBW, maging ang mga kalalakihan at katomboyan ay sumusubaybay din sa programa dahil sa kaseksihan ni Andrea. Sabi ng isang male viewer, pag-uwi niya raw sa gabi kanin na lang ang binibili niya dahil libre na ang ulam niya courtesy of Andrea!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.