Gerald sa mga sawsawera: Hindi ko alam kasama rin pala sila sa relasyon ko
“MARAMING nakikisawsaw!” Yan ang rebelasyon ni Gerald Anderson tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan matapos maakusahang niloko at ipinagpalit sa ibang babae si Bea Alonzo.
Ayon sa Kapamilya actor, ang nais lang niya ay maayos ang problema para maka-move na sila ni Bea. Hindi rin niya nais na maraming inosenteng tao ang nadadamay sa issue.
Nauna nang idinenay ni Gerald na naghiwalay sila ni Bea dahil sa ibang babae, nilinaw niya na walang kinalaman si Julia Barretto sa break up nila ng kanyang ex-girlfriend.
Pati si Julia ay nagsalita na at itinangging siya ang nang-ahas kay Gerald. Matapang niyang ibinandera sa buong mundo na wala siyang inagaw kay Bea.
Sa huling panayam ng ABS-CBN kay Gerald, sinabi nito na mas nais niyang ayusin ang problema nila ni Bea in private para wala nang madamay at makialam.
“It’s my personal life. It’s not something na I want to share sa buong mundo, di ba?” sey ng hunk actor.
“It’s something I want to keep private and sana maayos namin in private. But, obviously, hindi naging ganoon.
“Maraming mga opinion and maraming nakikisawsaw.
“Di ko alam na kasama rin pala sila sa relationship ko,” ang pahayag pa ni Gerald sa mga taong nagbibigay ng kanilang opinyon sa social media.
Nais na rin niyang matahimik at maayos ang gusot, para makapagsimula uli, “But it is what it is and, wala, I’m just gonna take this moment to get it off my chest, have peace of mind, and ito yung first step to moving forward.”
Mula nang pumutok ang kontrobersyal na hiwalayan nina Gerald at Bea, ilang celebrities na rin ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon.
Lantarang sinuportahan nina Angel Locsin, Paulo Avelino, Derek Ramsay, Gretchen Barretto at Claudine Barretto si Bea.
Tuloy naman ang pagtatanggol kay Julia ng kanyang inang si Marjorie Barretto at kapatid na si Dani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.