Kris ibinandera ang matataas na grades ni Bimby: Marami kaming pinagdaanan pero na-maintain niya
TUWANG-TUWANG ibinalita ni Kris Aquino na sa kabila ng mga pinagdaanan niya at ng dalawa niyang anak, nakakuha pa rin ng matataas na grade si Bimby.
Proud mom siyempre ang Queen of All Media sa bagong achievement ng bunsong anak sa pagiging estudyante nito.
Sa kanyang Instagram account, ipinost pa ni Tetay ang mga grades na nakuha ni Bimby kung saan ang pinakamataas nga rito ay 97 (Spelling at Vocabulary).
Narito ang caption ni Kris sa kanyang IG post, “6th grade has to be capped off with me sharing how super proud i am… Inalagaan po nya ko, marami kaming pinagdaanan, pero na maintain ang grades.
“Bimb will finish 7th & 8th grade being homeschooled then we’ve discussed it, 9th grade onwards, he’ll study abroad to fully enjoy his high school experience.
“Sana na lang kayanin ko to let him have this opportunity even if it means this clingy mama will have to learn to be more independent. Congratulations to our bunso. Thank You God for this inspiring blessing. Happy Tuesday to all!”
Samantala, bukas, kung walang magiging problema, nakatakda ang look test ni Kris para sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na “(K)Ampon” under Quantum Films sa direksyon ni King Palisoc.
Balitang nagsimula na rin ang shooting nito kahit wala pa si Kris para maagang matapos ang pelikula. Ang hindi pa rin sure ay kung si Derek Ramsay pa rin ang makakatambal ni Kris sa movie.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kumpirmado kung nakauwi na sa bansa ang mag-iina galing Japan.
Nagkasakit kasi si Bimby kaya hindi sila natuloy umuwi last Sunday. Nagpaiwan silang mag-ina sa Japan at pinana na si Joshua kasama sina Erich Gonzales, RB Changco at Bincai Luntayao.
Nag-post si Kris ng video sa Instagram kung saan makikita ang pag-aalaga niya sa anak, “No matter that my bunso is almost 5’11, and he’s 185 lbs, pag nilagnat he’s still my baby. My ate was worried baka mahawa ako (bawal talaga sa autoimmune condition ko to get a fever).
“BUT dumedma, Bimb’s fever was 39.6 nu’ng madaling araw. The whole day hovering sa 38.4 to 39 tonight- so super bantay ako. When he was shivering from his fever, I doubled his blankets and just embraced him (I’m about 80 lbs less than him) but I believe iba ang alagang mama.
“We are being responsible, I know dapat 72 hours na no fever bago mag airplane, we were supposed to take the midnight flight, meaning airport by 10 PM on the 5th. Kuya Josh will fly home w/ RB (Chanco), Erich (Gonzales) & Bincai (Luntayao). I will extend until Bimb’s okay.
“Share ko lang how compassionate Bimb is, hindi s’ya makakain, no gana, threw up when he tried & having trouble getting up to walk. He said, ‘mama now I know how you feel when you’re weak and I love you very much because you go through every week but you still try.’ #love.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.