Dennis sa Mina-Anud: Matapang ang pelikula, ibang putahe naman | Bandera

Dennis sa Mina-Anud: Matapang ang pelikula, ibang putahe naman

Jun Nardo - August 04, 2019 - 12:50 AM

DENNIS TRILLO, MATTEO GUIICELLI AT JERALD NAPOLES

Sanib-pwersa ang Regal Entertainment, Hooq Philippines at Epic Media sa pinag-uusapang pelikulang “Mina-Anud”.

Ayon kay Roselle Monteverde sa tanong kung paano sila nakumbinseng gawin ang pelikulang pinagbibidahan ni Dennis Trillo, “Actually, there was no convincing that happened. More on I listen to the story. I was there in Singapore.

“I listened to the story. I love the concept, nagustuhan ko agad ang kuwento. It’s very relevant, it’s so now so I wanted to do something like that. Nangyari sa Pilipinas ito so why not, di ba?” pahayag ng Regal Films executive.

“Tuwang-tuwa ako nang i-present nila sa akin ang story. It’s so surreal na talagang nangyari. Maraming tao sa Pilipinas na hindi pa nakakaalam ng aftermath kung ano ang nangyari sa mga tao na nakakita ng cocaine na lumulutang-lutang sa dagat.

“So, this is it. Nagawa na naman and masasabi ko na napakaganda ng pelikula. Perfect cast and I’m very proud of this movie!” pahabol pa ni Roselle.

Samantala, hindi naman natatakot si Dennis para sa pelikula nilang “Mina-Anud” dahil sa tema nito tungkol sa ilegal na droga. Aniya, napapanahong isyu ito at siguradong may aral namang matututunan ang manonood.
“Matagal ko nang gustong gumawa ng ganitong pelikula, matapang. Para ito sa mga taong naghahanap ng ibang putahe kaya sana bigyan n’yo kami ng chance,” ani
Dennis.

Seryoso ang tema nito pero comedy ang atake kaya hindi pa rin masyadong mabigat panoorin. Dapat mapanood muna ng publiko ang pelikula para maintindihan nila kung bakit tinanggap nina Dennis, Jerald Napoles at Matteo Guidicelli ang movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending