Mga residente sa Cavite lumikas dahil sa pagbaha, umapaw na ilog | Bandera

Mga residente sa Cavite lumikas dahil sa pagbaha, umapaw na ilog

- August 03, 2019 - 04:13 PM

LUMIKAS ang mga residente sa Ternate, Cavite sa harap ng pagtaas ng baha at pag-apaw ng Maragondon river dahil sa walang tigil na pag-ulan ngayong araw.

Sinabi ni Sixto Caisip, Ternate disaster response chief, na 69 pamilya mula sa Barangay San Juan ang inilikas.

Tinatayang 71 pamilya naman sa Barangay Bucana ang nanganganib na maapektuhan ng mga pagbaha, kasama na ang mga residente sa limang iba pang barangay malapit sa  Maragondon river.

Noong Biyernes, 12 bahay na gawa sa kongkreto at magagaang materyales ang tinangay sa coastal area ng Ternate, ayon pa kay Caisip. Wala namang nasaktan sa pangyayari.

Sinabi ni Caisip na tumaas ang lebel ng tubig sa Maragondon river at nasa kritikal na lebel na ng apat na metro.

“If it hits 4.5 meters, that’s it. It would affect five other villages,” dagdag ni Caisip.

Ang Ternate ang sahuran ng tubig sa palibot ng Magallanes, Baylen, Indang, at Maragondon.

Sinabi pa ni Caisip na hindi pa ipapatupad ang preemptive evacuation, bagamat nakahanda  na ang mga rescue vehicles sakaling kailangan nang ilikas ng mga residente.

“Ankle-to knee-deep flood also hit parts of Cavite City. Parts of Bacoor City near a shopping mall in Barangay Niog and Imus City were also flooded,” sabi ni provincial disaster response head Rhoda Periodico.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending