Ultim8 Big 4 ng PBB Otso ibabandera na | Bandera

Ultim8 Big 4 ng PBB Otso ibabandera na

Bandera - August 03, 2019 - 12:20 AM

KIARA TAKAHASHI, LIE REPOSPOSA AT ANDREI BROUILLETTE

BUKAS at sa Linggo na magaganap ang inaabangang Big Night ng Pinoy Big Brother Otso na gaganapin sa AATF Sports Complex. Malagasang Road, Imus, Cavite.

Pero bago nga sumalang ang PBB Otso Big 8 sa finals night, dumaan muna sa mas matitinding challenge ang walong natitirang housemates sa Bahay ni Kuya.

Si Andre Brouillette ng Team LAYF ang kumumpleto sa listahan ng Big Otso finalists matapos siyang makakuha ng pinakamataas na boto mula sa publiko at iluklok sa ika-walong trono noong Sabado.

Nakakuha si Andre ng 57.85% na total public votes. Kasama ng housemate mula Hawaii sa Big Otso ang winners ng kani-kanilang batches na sina Lie Reposposa, Ashley del Mundo, Kiara Takahashi, ang ibinoto ng bayan mula Batch 1 na si Kaori Oinuma, at ang kapwa niya Batch 2 housemates na sina Lou Yanong, Yamyam Gucong at Fumiya Sankai.

Nitong huling linggo ng labanan sunod-sunod na pagsubok ang hinarap ng housemates habang papalapit ang Big Night. Ang unang hamong ibinigay ni Kuya ay ang Big Otso platform, kung saan kailangan sa bawa’t galaw nila sa bahay ay nakaapak sila sa platform at walang parte ng katawan nila ang tatama sa sahig ng bahay.

Sumunod dito ang pagkuha ng Golden 8 na binubuo ng 100 golden bars kung saan kada task na mapagtatagumpayan, makakaipon sila ng golden bars at ang dami ng makukuha nila ay makakatulong sa kanilang ranking para makapasok sa Ultim8 Big Four.

Nanguna si Kiara sa halos lahat ng “golden bars” task kaya malaki na ang chance niya na mapasama sa Ultim8 Big Four.

Nakasalalay din sa kanilang tagumpay sa tasks at boto ng taong bayan ang kanilang kapalaran patungong Big Night dahil 50% sa kanilang score ay magmumula sa puntos nila sa Ultim8 challenges at ang natitirang 50% ay mula sa public votes.

Samantala, sa mga nais manood ng inaabangang Big Night (Aug. 3 at 4), tumungo sa ktx.abs-cbn.com para makakuha ng libreng tickets. Maaari ring bumili ng VIP (P1,200) at lower box (P1,000) tickets na may kasamang freebies gaya ng PBB fanbook, batch light stick, string bag, button pins, at keychain.

Abangan ang huling bakbakan ngayong gabi sa PBB Otso sa Primetime Bida after Sino Ang May Sala at sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Los Bastardos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending