Pabukol ni Marco ikababaliw ng mga bading | Bandera

Pabukol ni Marco ikababaliw ng mga bading

Jun Nardo - August 02, 2019 - 12:40 AM

MARCO GUMABAO

Handang makipagsabayan si Marco Gumabao sa mga pinagpapantasyahang mga baguhang hunk actors at palaban din sa hubaran at romansahan na sina Tony Labrusca at Kit Thompson.

Eh, pormado rin ang katawan ni Marco na ilalantad na niya sa big screen via his latest sex-drama movie with Anne Curtis na “Just A Stranger.”

Lamang lang ngayon si Marco kina Tony at Kit dahil si Anne ang makakalampungan niya sa bagong offering ng Viva Films. Yes, si Anne nga ang magbibinyag kay Marco dahil ito nga ang kauna-unahang sexy movie niya.

Si Angel Aquino ang nakaromansa noon ni Tony sa “Glorious” habang si Mylene Dizon naman ang naka-love scene ni Kit sa Cinemalaya entry nilang “Belle Douleur.”

At least, dumarami na ngayon ang mga male stars na matapang sa hubaran at palaban sa mga sex scenes, huh!

Ayon nga sa director ng “Just A Stranger” na si Jason Paul Laxamana, maraming pabukol at pa-abs si Marco sa movie kaya sigurarong maglalaway at mabubusog ang mata ng mga bading sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending