LOS ANGELES, CALIFORNIA – Matapos ang mahabang biyahe namin sa Amerika, pabalik na sa Asya ang Bantay OCW Team. Habang naghihintay kami sa LAX Airport, nakikipag-ugnayan naman kami kay Manny Paez ng Manila Forwarder upang maipadala nang libre ang ilang jumbo box na donasyon ng ating mga kababayan mula sa LA patungo ng Pilipinas. Maraming salamat kay Paez sa kanyang pagkakawanggawa dito sa Amerika.
Mula sa Los Angeles, diretso naman kami sa Taiwan upang ipagpatuloy ang aming Bantay OCW Foundation Caravan na nagsusulong ng Mental Health Wellness at Financial Literacy program para sa ating mga OFW.
Sa loob ng isang buwan, umikot ang Bantay OCW sa New York, Houston, Florida, San Francisco, Las Vegas at Los Angeles.
At bago nga kami bumalik ng Pilipinas, sa paanyaya at pangunguna mismo ni chairman Angelito T. Banayo, Managing Director at Resident Representative ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) sa Taipei, Taiwan, ilulunsad ng MECO ang Bantay OCW Foundation Financial Literacy Seminar at Mental Health wellness program.
Ayon kay MECO Deputy Director Nestor Mayo, gagawin ito sa araw ng Linggo, August 4 mula 9 a.m. hanggang 12 noon sa Ugnayan Center sa Taipei City, Zhongshan North Road sa Taiwan.
Ibibigay ni Welfare Officer Ms. Dayang Dayang Sittie K. Jaafar, Deputy Director for Labor Affairs ng MECO POLO Taipei ang Welcome Remarks at susundan naman ng Inspirational Message ni Chairman Banayo.
Makakasama naman natin mula sa Bantay OCW sina Ms. Joyce Delovieres, banker and certified financial planner, Psychology professor Rommel Agbayani para sa Mental Health Issues and Counseling at si Shermaine Katindig, associate producer, upang talakayin ang mga programa at proyekto ng Bantay OCW Foundation.
Magkakaroon ng Q&A/Open Forum para sa mga napapanahong katanungan ng mga OFW na dadalo sa naturang pagtitipon.
Ibibigay naman ni Labor Attache Atty. Cesar Chavez, Jr., Director for Labor Affairs, MECO POLO Taipei ang kaniyang closing remarks at makakatuwang naman bilang moderator ang inyong lingkod.
Inaanyayahan namin ang ating mga kababayan sa Taiwan na maaari po kayong dumalo sa naturang pagtitipon at hangad po ng MECO at Bantay OCW Foundation na higit pa po kaming makatulong.
Talagang MECOnnect ang MECO sa ating mga OFW dito sa Taiwan. Ayon kay Gerry De Belen, spokesman ng MECO, narito ang mga phone lines ng TPE-TXG-KHH offices: TPE – 2-26588825 TXG – 4-23228835 to 36 at KHH – 7-3985935 to 36.
Hangad namin ang pagtatagumpay ng marami pa ninyong mga programa sa hinaharap. Maraming salamat sa mga opisyal ng MECO sa walang sawa ninyong pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga OFW sa Taiwan.
Maraming salamat din kay Director Mayo sa kaniyang walang kapagurang pakikipag-ugnayan sa Bantay OCW Team, at kay Ms. Victoria Serafica para sa ikatatagumpay ng proyektong ito.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.