Kris biktima ng ‘ghosting’, gagantihan si Rayver
NAGSIMULA nang manakot at manggulat tuwing hapon ang GMA Afternoon Prime series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
In fairness, effective na multo si Kris Bernal sa serye bilang isang babaeng pilit na inaagaw ang lalaking pinakamamahal sa asawa nito kahit na nga patay na siya. Nagkakaisa ang komento ng mga Kapuso viewers – talagang ibinibigay ng aktres ang lahat-lahat para mabigyan ng hustisya ang kanyang role.
Sa nakaraang episode ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, ipinakita na kung paano nagmumulto si Naomi (Kris) sa bahay ng mag-asawang Matteo (Rayver Cruz) at Yvie (Megan Young).
Nagpapakita na siya sa kanyang anak na si Santino (Euwenn Aleta) na itinuring nang anak nina Matteo at Yvie. Sa bata lang siya nagpapakita at nagpaparamdam at ito ang plano niyang gamitin para ipagpatuloy ang kanyang paghihiganti.
Paano mabubuking nina Matteo at Yvie na si Naomi ang nanggugulo sa kanilang bahay? Sino ang makakatulong sa kanila para mapalayas ang naghihiganting multo?
Tutukan ang mas lalo pang tumitinding mga tagpo sa Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.
Kasama pa rin sa serye sina Sharmaine Arnaiz, Boots Anson-Roa at Kim Domingo na siguradong ikagugulat n’yo rin ang mangyayaring twist sa kanyang karakter.
Samantala, naaliw naman ang mga followers ni Kris nang mag-post siya sa kanyang Instagram ng litrato nila ni Rayver na may hugot patungkol sa “ghosting”.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Matteo just ceased all communication with me and pretty much dropped off the face of the planet. There was no goodbye, no explanation, no proper closure!!! He has just evaporated! Anyare?? Diba ang saya pa natin kahapon? Taas kamay mga relate! KAYA MO BA SIYA I-TAG? #Ghosting #HanggangSaDuloNgBuhayKo.”
Usung-uso kasi ngayon ang isyu ng “ghosting” dahil sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Tuwang-tuwa naman ang mga netizens sa paandar ni Kris bilang isa talaga siyang ghost sa kanilang serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.