From beauty queen to memory sport queen | Bandera

From beauty queen to memory sport queen

Frederick Nasiad - July 23, 2013 - 03:00 AM

“WHAT’S a pretty face doing in a mind- boggling sport like this?”  Ito ang madalas matanong kay 20-year-old Abbygale Monderin na pumangatlo sa katatapos na 6th  Thailand International Memory Championship na ginanap sa Kasetsart University sa Bangkok.

Pero bago niya pinasok ang kumplikadong mundo ng memory sport ay isa na siyang Sunday school teacher, commercial model, actress at beauty queen.

Noong isang taon ay nakopo niya ang korona ng Ms. Bikini Philippines. Naging finalist din siya ng 2013  Bb. Pilipinas at  siya ang gumanap na Mary Faith na friend ni Maya sa sikat na television series na Please Be Careful With My Heart sa ABS-CBN.

Nitong Mayo lamang ay nag-enrol si Monderin sa UTAK (Universal Techniques in Acquiring Knowledge) Power Learning  sa Marikina para mahasa ang kanyang memorya.

Dito niya nadiskubre na may  kakaiba pala siyang talento sa pagmemorya kaya sumailalim siya sa  masusing pagsasanay sa gabay ng UTAK founder na si Robert Racasa.

Una siyang sumali sa National Open nitong Mayo sa Alphaland Tower ngungit kahit pa hindi siya pumuwesto sa itaas at di man lang nakadikit sa dalawang Grandmaster of Memory ng bansa na sina Erwin Balines at Mark Anthony Castaneda ay hindi siya pinanghinaan ng loob.

Patuloy siyang nagpursige at nag-train ng halos araw-araw sa buwan ng Hunyo. Ika-6 ng Hulyo nang dumayo sa Thailand ang anim na manlalaro ng Philippine Mind Sports Association.

Nanalo sa torneyong ito ang two-time national champion ng India na si Rajendra Jain sa overall  iskor na 2,406 mula sa 10 events na pinaglabanan.

Pumangalawa si Kevin Carl Aquino na nagsanay din sa UTAK Power Learning ni Racasa. Umiskor siya ng 2,151. Pumangatlo naman si Monderin na kumulekta ng 2,113 puntos.

Parehong personal best ito para kina Aquino at Monderin na umiskor ng 1,804 at 1,773 sa National Open sa Alphaland Tower.
Sa Thailand, nagwagi si Aquino sa tatlong events — Random Words (160 puntos), Names & Faces (343) at Speed Cards (217) —  habang si Monderin ay nanalo rin sa tatlong events — Historic and Future Dates (172), 10-Minute Playing Cards (427) at Spoken Numbers (569).

“My favorite  event is  Spoken numbers, Numbers are sounds to my ears. It’s really challenging to hear and remember numbers with just 1 second interval. I was able to memorize 66 digit numbers last Memory Championships in Thailand,” sabi ni Monderin.

Pinaghahandaan naman ngayon ni Monderin at ng iba pang mental athletes ng Philippine Mind Sports Association ang 2013 Hong Kong International Memory Championships at ang 2013 World Memory Championships sa London England.

“A good memory is what you need to be highly efficient and reliable. If you wanna be a memory athlete, you should have the passion and the determination for you to achieve it.

You need to practice and of course take memory training seminars or memory training workshops like UTAK Power learning that will help with memory techniques to keep you mentally alert for years to come,” dagdag pa ni Monderin, na kasalukuyang  hawak ang Philippine record sa 10-Minute Cards event nang makapag-memorize siya ng 156 cards sa Thailand.

By the way, sakaling nais ninyong makita kung ano ang itsura ni Monderin ay narito ang kanyang larawan na kuha noong National Open.

Congratulations nga pala kay Julius Gonzales ng Marikina na umiskor ng 6.5 puntos sa pitong rounds para magkampeon sa 13-under division ng 4th J’adoube Rapid Chess Tournament na ginanap nitong Linggo sa Alphaland Southgate Mall sa Makati City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Julius ay matalik na kaibigan ng anak kong si Vincent Frank na pumangwalo naman sa nasabing torneyo. Nanalo naman sa 17-under division si John Ray Batucan.

Sa chess pa rin, binabati ko si Fide Master Austin Jacob Literatus sa pagkakahirang sa kanya bilang  Male Athlete of the Year sa ginanap na So Kim Cheng Awards  kagabi sa Grand Regal Hotel sa  Davao City.   Ito ang taunang parangal na ibinibigay sa mga top sports personalities ng Dabaw.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending