NA-TOUCH si Alden Richards sa gesture ni Daniel Padilla nang dumalaw ito sa last taping day nila para sa “Hello, Love, Goodbye” movie nila ni Kathryn Bernardo.
Sa isang panayam, sinabi ni Alden na nag-text talaga siya kay Daniel nang simulan na nila ni Kathryn ang shooting para sa movie pero hindi siya naka-receive ng reply mula kay Daniel, “Hindi po immediately, pero naiintindihan ko naman. Kasi, parang tama naman si DJ nu’ng napanood ko po yung interview niya before.
“Siyempre, hindi naman po kami ganoon masyado magkakilala. Parang, ano nga naman ang isasagot niya doon sa message?” ani Alden.
Ipinaliwanag na ni Daniel sa isang interview kung bakit hindi niya sinagot ang text ni Alden, aniya mas gusto raw niyang personal silang magkita ng leading man ng kanyang girlfriend.
Kuwento naman ni Alden, “The good thing about that, nung last day po namin sa set, nagpunta si DJ sa tent ko with Kath. He congratulated me personally. Parang sabi ko na, for him to consider making time para pumunta sa akin to congratulate me for the movie, okay na po ako doon. That’s more than enough.”
Nang matanong kung ano ang sasabihin niya kay DJ sakaling nagkaroon sila ng chance na magkakilala nang mas maaga, “Siyempre po magpapasalamat ako. Yun po actually yung composition nu’ng text message, na nagpasalamat ako kasi pinayagan ni DJ si Kath na makatrabaho ako.
“Si Tita Karla (Estrada, nanay ni Daniel) din, nag-message ako that time, na parang it’s a way of showing courtesy din, e. Parang pasintabi, kasi siyempre alam ko naman po for the longest time, si Kath and DJ magkasama.
“And parang bago ito sa kanila na mapi-pair up si Kath sa ibang partner. It’s really a way of being a gentleman to Kath and DJ in respect to their relationship,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.