Baron tanggap ang 2 anak sa gf: Gusto ko na rin pong magkaanak | Bandera

Baron tanggap ang 2 anak sa gf: Gusto ko na rin pong magkaanak

- August 01, 2019 - 12:05 AM

BARON GEISLER AT JAMIE EVANGELISTA

TANGGAP ni Baron Geisler ang mga anak ng kanyang fiancé na si Jamie Evangelista.

Single mother si Jamie sa dalawa niyang anak sa dating karelasyon, pero nagagawa nitong pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aalaga sa mga bata. At doon daw humanga si Baron kaya mas lalo siyang na-in love kay Jamie.

“Yes, na-in love agad ako sa mga bata. And me wanting to be a father na for a very long time parang long overdue na talaga. So maganda rin na maging praktis para sa akin ito para kapag nagkaroon kami ng sarili namin ni Jamie ay alam ko na kahit paano mag-alaga ng baby,” pahayag ni Baron sa panayam ng Magandang Buhay kahapon.

“Actually the truth is noong nagliligawan kami, sabi ko, ‘Jamie, huwag ka sana ma-adik sa akin.’ Pero ang nangyari nagkabaligtad, ako ‘yung sobra-sobrang na in love na hindi puwede ‘yung isang araw na hindi ko siya makausap o makita. Ang problema lang mayroon akong attachment problems, needy minsan,” pag-amin ni Baron.

For her part, tanggap naman ni Jamie ang masalimuot na nakaraan ng aktor, “Ako, I didn’t judge him sa past niya. Binigyan ko siya ng chance and I figured out na hindi siya shallow, matalino pala itong taong ito, he is interesting to talk to, like hindi siya mababaw.”

Ayon pa kay Baron, si Jamie ang isa sa mga iilang taong nagpakita sa kanya ng suporta para tuluyan nang magbagong-buhay, “Siya ‘yung nag-support sa akin, nagpataas ng morale ko na you have so many chances in life.”
L

ast July 14 ay nag-propose na si Baron kay Jamie na naganap sa Cebu. Inamin din ng aktor na napakahirap ng long distance relationship, “I’m trying to fix that now and trying to parang understand and really deal kung paano mag-work ang long-distance relationship (LDR).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending