ABS-CBN, PAGASA, MMDA, NDRRMC nagsanib-pwersa sa paghahatid ng balita | Bandera

ABS-CBN, PAGASA, MMDA, NDRRMC nagsanib-pwersa sa paghahatid ng balita

- August 01, 2019 - 12:01 AM


MAS maraming Pilipino na ang maabot ng mahahalagang impormasyon tulad ng news advisories, disaster alerts, traffic updates, weather bulletins at job vacancies.

Ito’y dahil sa pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN, PAGASA, MMDA at NDRRMC para maghatid ng libre at real-time updates gamit ang bagong feature ng TVplus na INFOplus.

Nagkaisa ang TVplus, PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), MMDA (Metro Manila Development Authority), at NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council) para magbigay ng real-time updates tungkol sa weather, traffic, at disaster alerts tulad ng lindol at tsunami.

Samantala, hatid naman ng ABS-CBN News ang mga makabuluhang balita kabilang na ang work at class suspensions, pati na ang presyo ng mga bilihin sa merkado. Magbibigay naman ng job alerts sa mga naghahanap ng mapapasukang trabaho ang TrabaHanap.

Gamit ang INFOplus, maaari ring mag-check ng TVplus updates ang isang user at tingnan ang weekly KBO (Kapamilya Box Office) schedule.

Walang bayad ang paggamit ng INFOplus at hindi rin kailangan ng internet para rito. Kailangan lang pindutin ng TVplus user ang red button sa TVplus remote at lalabas na ang INFOplus.

“Hindi lang malinaw na panonood ng TV ang benepisyo ng digital TV. Hangad ng ABS-CBN TVplus na bukod sa entertainment, magkakaroon din ang TVplus users ng kaalaman tungkol sa mga mahahalagang impormasyon na nakakaapekto sa pang araw-araw na buhay nila na walang kailangang bayaran,” ani Charles Lim, ABS-CBN head of Access.

Ang ABS-CBN na nagta-transition bilang isang digital company, ang unang media at entertainment company sa bansa na nagpakilala ng DTT o digital terrestrial television sa bansa sa pamamagitan ng ABS-CBN TVplus na inilunsad noong 2015 at nakabenta na ng walong milyong box as of July 2019.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending